Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagiging InaHalimbawa

Pagiging Ina

ARAW 3 NG 3

Ang panalangin ng isang mapanalangining Ina


Ikinuwento ni Billy Sunday ang tungkol sa isang dumadalaw na pastor.

Bumisita siya sa isang bahay at hiniling na makita ang ina, ngunit ang anak na nagbukas ng pinto ay nagsabing, "Hindi mo makikita ngayon si nanay dahil nagdarasal siya mula alas nuebe hanggang  alas diyes." Kaya't naghintay siya ng 40 minuto upang makilala ang ina, at nang lumabas ang ina mula sa kanyang silid ng pagdarasal, isang ningning ng kaluwalhatian ang sumilaw sa kanyang mukha at naintindihan niya kung bakit napakakinang ng bahay, kung bakit ang 2 anak na lalaki ang nagsilbi at kung bakit ang kanyang anak na babae ay naging isang babaeng misyonero. "Hindi maaaring ihiwalay ng  impiyerno ang isang anak na lalaki o anak na babae mula sa isang mapanalanginin na ina," puna ni Billy Sunday.

Si Susanna Wesley, na mayroong 17 anak, ay gumugugol ng isang oras bawat araw sa isang saradong silid na nag-iisa kasama ng Diyos, ipinagdarasal ang bawat isa sa kanila  at ang kanyang dalawang anak na lalaki ang nagdala ng muling pagkabuhay sa Inglatera habang ang Pransya ay nailublob sa dugo ng isang kahila-hilakbot na rebolusyon.


Naaalala ko ang mga panalangin ng aking ina.

Ang mga panalangin na iyon ay sumunod at kumapit sa akin sa buong buhay ko.

(Abraham Lincoln)


1 Juan 5:14

May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil alam nating ibibigay niya ang anumang hingin natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.


Pagninilay:

Ang isang ina ay maaaring maging kamanggagawa mo sa ministeryo. Kahit hindi mo hinihingi, ipapanalangin ka pa rin niya. Isasama mo ba ang iyong ina bilang iyong kapareha sa pananalangin? Ang mga pananalangin na may pagmamahal ay laging sumasalamin sa puso ng isang ina para sa kanyang mga anak at asawa. Kaya nga tinatawag natin siyang Ina!


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Pagiging Ina

Ang pinakamahalagang gawain ng isang ina ay alagaan at palakihin ang kanyang mga anak. Mahalin at ipadama ang pag-ibig at seguridad sa kanila. Ang debosyon na ito ay magpapalakas ng mga ina upang akayin at gabayan ang kanilang mga anak sa banal na pagkatakot sa Dios.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg