Paglakad Kasama Ni HesusHalimbawa
ANG OPORTUNIDAD NA MAGING MABUNGA
Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng kanyang ubasan, ‘Tatlong taon na akong pabalik-balik dito para tingnan kung may bunga na ang igos na ito, pero wala pa akong nakikita kahit isa. Putulin mo na lang ang punong iyan. Nasasayang lang ang lupang kinatatayuan niyan!’ 8 Pero sumagot ang tagapag-alaga, ‘Hayaan nʼyo na lang po muna ang puno sa taon na ito. Huhukayan ko po ang palibot nito at lalagyan ng pataba. 9 Baka sakaling magbunga sa darating na taon. Ngunit kung hindi pa rin, putulin na natin.’ ” (Lukas 13:7-9)
Natutuhan natin mula sa parabula sa itaas na gusto ng Diyos ng bunga. Ang isang bagay na kailangan nating malaman tungkol sa bunga ay ang bunga ay pisikal na nakikita. Iyan ang dahilan kung bakit malalaman natin ang ugali ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang bunga. (Mateo 7:15-20). Makikita natin ang mga pisikal na bunga na ito sa ating mga salita, damdamin o kaisipan, pag-iisip, kilos at pag-uugali, o reaksyon sa mga problemang dumarating sa ating buhay. Makikita natin sa Marcos 11:12-14 na isinumpa ni Hesus ang isang puno ng igos na mayabong ngunit walang bunga.
Ang mabungang buhay ay laging nakatali sa panahon, at laging nauunawaan ng Diyos ang panahong iyon. Samakatuwid, nagbibigay pa rin ng biyaya ang Diyos sa mga hindi namumunga sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na sila ay makapamunga (Lucas 13:8-9). Kailangang kilalanin at samantalahin ng mga hindi mabungang Kristiyano ang bawat pagkakataong ibinibigay ng Diyos sa kanila upang magbunga.
Sinasabi ng Mangangaral 3:11, “At lahat ng ito ay itinadhana ng Diyos na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.” Naiintindihan natin mula sa talata sa itaas na ang bawat pagkakataon ng pamumunga ay maganda kahit na hindi natin naiintindihan ang layunin ng Diyos sa ating buhay. Dapat tayong manalig na sa biyaya ng Diyos, tayo ay magbubunga sa Kanyang panahon.
Pagninilay:
1. Nakakita ka na ba ng punong hindi namumunga sa kanyang kapanahunan? Ano ang naiisip mo sa punong iyon?
2. Paano ang iyong espirituwal na buhay? Nakapamunga ka na ba ng prutas na ikatutuwa ng iyong kapwa?
Aplikasyon:
Kapag nagbigay ang Diyos ng mga pagkakataon para sa iyo na mamunga, kunin ang mga pagkakataong iyon at maging mabunga!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tutulungan tayo ng debosyonal na ito na humakbang sa buhay na naaayon sa Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/