GENESIS 20
20
Sina Abraham at Abimelec
1At mula roon ay naglakbay si Abraham sa lupain ng timog, at nanirahan sa pagitan ng Kadesh at Shur. Samantalang naninirahan bilang isang dayuhan sa Gerar,
2sinabi#Gen. 12:13; 26:7 ni Abraham tungkol kay Sara na kanyang asawa, “Siya'y aking kapatid;” at si Abimelec na hari sa Gerar ay nagpasugo at kinuha si Sara.
3Subalit pumunta ang Diyos kay Abimelec sa panaginip sa gabi at sinabi sa kanya, “Ikaw ay malapit nang mamatay dahil sa ang babaing kinuha mo'y asawa ng isang lalaki.”
4Ngunit si Abimelec ay hindi pa nakakasiping sa kanya. At sinabi niya, “Panginoon, papatayin mo ba pati ang isang bayang walang sala?
5Hindi ba siya rin ang nagsabi sa akin, ‘Siya'y aking kapatid.’ at si Sara man ay nagsabi, ‘Siya'y aking kapatid?’ Sa katapatan ng aking puso at kawalang-sala ng aking mga kamay ay ginawa ko ito.”
6Sinabi sa kanya ng Diyos sa panaginip, “Oo, nalalaman ko na sa katapatan ng iyong puso ay ginawa mo ito, at hinadlangan din naman kita na magkasala ng laban sa akin kaya't hindi ko ipinahintulot na galawin mo siya.
7Ngayon nga'y isauli mo ang asawa ng lalaking ito; sapagkat siya'y isang propeta, at ikaw ay ipapanalangin niya at mabubuhay ka. Ngunit kapag hindi mo siya isinauli, tandaan mong tiyak na mamamatay ka, ikaw at ang lahat ng iyo.”
8Kinaumagahan, si Abimelec ay bumangon nang maaga at tinawag ang lahat niyang mga lingkod. Sinabi niya sa kanila ang lahat ng bagay na ito, at ang mga tao'y takot na takot.
9Tinawag ni Abimelec si Abraham, at sa kanya'y sinabi, “Anong ginawa mo sa amin at paano ako nagkasala laban sa iyo, upang dalhan mo ako at ang aking kaharian ng isang malaking kasalanan? Ginawa mo sa akin ang mga gawang di nararapat gawin.”
10At sinabi ni Abimelec kay Abraham, “Ano ba ang iniisip mo at ginawa mo ang bagay na ito?”
11Sumagot si Abraham, “Sapagkat inisip ko na tunay na walang pagkatakot sa Diyos sa lugar na ito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.
12At saka, talagang siya'y kapatid ko, anak ng aking ama, subalit hindi anak ng aking ina; at siya'y naging asawa ko.
13Nang paalisin ako ng Diyos sa bahay ng aking ama ay sinabi ko sa kanya, ‘Ito ang kabutihan na maipapakita mo sa akin: sa lahat ng lugar na ating pupuntahan ay sabihin mo tungkol sa akin, Siya'y aking kapatid.’”
14Si Abimelec ay kumuha ng mga tupa at baka, mga aliping lalaki at babae, at ibinigay ang mga ito kay Abraham, at isinauli sa kanya si Sara na kanyang asawa.
15At sinabi ni Abimelec, “Ang lupain ko ay nasa harapan mo; manirahan ka kung saan mo gusto.”
16Sinabi niya kay Sara, “Tingnan mo, nagbigay ako ng isang libong pirasong pilak sa iyong kapatid. Ito'y magpapawalang-sala sa iyo sa paningin ng lahat ng kasama mo; ikaw ay ganap na napawalang-sala.”
17At nanalangin si Abraham sa Diyos; at pinagaling ng Diyos si Abimelec, ang kanyang asawa, at ang kanyang mga aliping babae, na anupa't nagkaanak sila.
18Sapagkat sinarhan ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa sambahayan ni Abimelec, dahil kay Sara na asawa ni Abraham.
Currently Selected:
GENESIS 20: ABTAG01
ማድመቅ
Share
Copy
ያደመቋቸው ምንባቦች በሁሉም መሣሪያዎችዎ ላይ እንዲቀመጡ ይፈልጋሉ? ይመዝገቡ ወይም ይግቡ
©Philippine Bible Society, 2001