1
Isaias 53:5
Ang Salita ng Dios
Ang totoo, sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway; binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang tiniis niya ang naglagay sa atin sa magandang kalagayan. At dahil sa mga sugat niya ay gumaling tayo.
Compare
Explore Isaias 53:5
2
Isaias 53:6
Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw. Bawat isa sa atin ay gumawa ng nais nating gawin. Pero siya ang pinarusahan ng PANGINOON ng parusang dapat sana ay para sa ating lahat.
Explore Isaias 53:6
3
Isaias 53:4
Ang totoo, tiniis niya ang mga sakit at mga kalungkutang dapat sanaʼy tayo ang dumanas. Ang akala natin ay pinarusahan siya ng Dios dahil sa kanyang mga kasalanan.
Explore Isaias 53:4
4
Isaias 53:3
Hinamak siya at itinakwil ng mga tao. Dumanas siya ng mga sakit at hirap. Tinalikuran natin siya, hinamak, at hindi pinahalagahan.
Explore Isaias 53:3
5
Isaias 53:7
Inapi siya at sinaktan, pero hindi man lang dumaing. Para siyang tupang dadalhin sa katayan para patayin, o tupang gugupitan na hindi man lang umiimik.
Explore Isaias 53:7
6
Isaias 53:10
Pero kalooban ng PANGINOON na saktan siya at pahirapan. Kahit na ginawa siyang handog ng PANGINOON para mabayaran ang kasalanan ng mga tao, makikita niya ang kanyang mga lahi at tatanggap siya ng mahabang buhay. At sa pamamagitan niya ay matutupad ang kalooban ng PANGINOON.
Explore Isaias 53:10
7
Isaias 53:2
Kalooban ng PANGINOON na lumago ang kanyang lingkod, gaya ng tanim na lumalago at nag-uugat sa tuyong lupa. Wala siyang kagandahan o katangiang makakaakit sa atin para siyaʼy lapitan.
Explore Isaias 53:2
8
Isaias 53:12
Dahil dito, pararangalan ko siya katulad ng mga taong tanyag at makapangyarihan dahil ibinigay niya ang buhay niya. Ibinilang siya na isa sa mga makasalanan. Nagdusa siya para sa maraming makasalanan at hiniling pa niya sa Dios na silaʼy patawarin.”
Explore Isaias 53:12
9
Isaias 53:11
Kapag nakita niya ang bunga ng kanyang paghihirap, matutuwa siya. Sinabi ng PANGINOON, “Sa pamamagitan ng karunungan ng aking matuwid na lingkod ay marami ang ituturing niyang matuwid, magdurusa siya para sa kanilang mga kasalanan.
Explore Isaias 53:11
10
Isaias 53:8
Hinuli siya, hinatulan, at pinatay. Walang nakaisip, isa man sa mga salinlahi niya, na pinatay siya dahil sa kanilang mga kasalanan, na tiniis niya ang parusang dapat sana ay para sa kanila.
Explore Isaias 53:8
11
Isaias 53:9
Kahit na wala siyang ginawang kasalanan at anumang pandaraya, inilibing siyang parang isang kriminal; inilibing siyang kasama ng mga mayayaman.
Explore Isaias 53:9
Home
Bible
Plans
Videos