1
Isaias 54:17
Ang Salita ng Dios
Walang anumang sandatang ginawa na magtatagumpay laban sa iyo, at masasagot mo ang anumang ibibintang laban sa iyo. Ito ang pamana ko sa aking mga lingkod. Bibigyan ko sila ng tagumpay. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.”
Compare
Explore Isaias 54:17
2
Isaias 54:10
Gumuho man ang mga burol at bundok, ang pag-ibig ko sa iyoʼy hindi mawawala, maging ang kasunduan ko sa iyo na ilalagay kita sa magandang kalagayan. Ako, ang PANGINOONG naaawa sa iyo, ang nagsasabi nito.
Explore Isaias 54:10
3
Isaias 54:4
Huwag kang matakot dahil hindi ka mapapahiya. Malilimutan mo na ang kahihiyan ng iyong kabataan at pagkabalo.
Explore Isaias 54:4
4
Isaias 54:5
Sapagkat ako na lumikha sa iyo ay para mong asawa. PANGINOONG Makapangyarihan ang pangalan ko. Ako ang Banal na Dios ng Israel, ang iyong Tagapagligtas. Tinatawag akong ‘Dios ng buong mundo.’
Explore Isaias 54:5
5
Isaias 54:2
Gumawa ka ng mas malaki at matibay na tirahan. Huwag mong liliitan.
Explore Isaias 54:2
6
Isaias 54:13
Ako ang magtuturo sa iyong mga mamamayan, at magiging mabuti ang kanilang kalagayan.
Explore Isaias 54:13
7
Isaias 54:8
Dahil sa bugso ng galit ko sa iyo, iniwan kita sandali, pero dahil sa aking walang hanggang pag-ibig sa iyo, kaaawaan kita. Ako, ang PANGINOON na inyong Tagapagligtas ang nagsasabi nito.
Explore Isaias 54:8
8
Isaias 54:7
Iniwan kita sandali, pero dahil sa laki ng awa ko sa iyo ay muli kitang kukupkupin.
Explore Isaias 54:7
9
Isaias 54:9
“Para sa akin, katulad ito noong panahon ni Noe nang nangako akong hindi ko na gugunawin ang mundo. Ngayon naman, nangangako akong hindi na ako magagalit o magpaparusa sa inyo.
Explore Isaias 54:9
10
Isaias 54:12
Gagamitin ko rin ang mga batong rubi sa iyong mga tore, at gagamitin ko rin ang mga naggagandahang mga bato sa paggawa ng iyong mga pinto at mga pader.
Explore Isaias 54:12
Home
Bible
Plans
Videos