1
Genesis 35:11-12
Magandang Balita Biblia (2005)
Sinabi pa sa kanya, “Ako ang Makapangyarihang Diyos; magkakaroon ka ng maraming anak. Darami ang iyong mga lahi at sa kanila'y may mga magiging hari. Magmumula sa lahi mo ang maraming bansa. Ang mga lupaing aking ipinangako kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga anak.”
Compare
Explore Genesis 35:11-12
2
Genesis 35:3
Aalis tayo rito at pupunta sa Bethel. Magtatayo ako roon ng altar para sa Diyos na kasama ko saanman at laging tumutulong sa akin sa panahon ng kagipitan.”
Explore Genesis 35:3
3
Genesis 35:10
“Jacob ang pangalan mo, ngunit mula ngayon, Israel na ang itatawag sa iyo.”
Explore Genesis 35:10
4
Genesis 35:2
Kaya't sinabi ni Jacob sa kanyang sambahayan at sa lahat ng kasama niya, “Itapon ninyong lahat ang diyus-diyosang taglay ninyo, maglinis kayo ng inyong katawan, at magbihis kayo.
Explore Genesis 35:2
5
Genesis 35:1
Sinabi ng Diyos kay Jacob, “Pumunta ka sa Bethel at doon ka manirahan. Ipagtayo mo roon ng altar ang Diyos na nagpakita sa iyo noong tumatakas ka sa iyong kapatid na si Esau.”
Explore Genesis 35:1
6
Genesis 35:18
Nasa bingit na siya ng kamatayan, at bago siya nalagutan ng hininga, ang sanggol ay tinawag niyang Benoni, ngunit Benjamin naman ang ipinangalan ni Jacob.
Explore Genesis 35:18
Home
Bible
Plans
Videos