YouVersion Logo
Search Icon

Hebreo 3

3
Mas Dakila si Jesus kaysa kay Moises
1Kaya nga mga kapatid ko sa pananampalataya, at mga kapwa ko na tinawag ng Dios na makakasama sa langit, alalahanin nʼyo si Jesus. Siya ang apostol at punong pari ng ating pananampalataya. 2Tapat siya sa Dios na nagsugo sa kanya, katulad ni Moises na naging tapat sa pamamahala ng pamilya ng Dios. 3Ngunit itinuring ng Dios si Jesus na higit kaysa kay Moises, dahil kung ihahalintulad sa bahay, higit ang karangalan ng nagtayo kaysa sa bahay na itinayo. 4Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit#3:4 Ngunit: o, At. ang Dios ang gumawa ng lahat ng bagay. 5Tapat si Moises sa pamamahala niya sa pamilya ng Dios bilang isang lingkod. At ang mga bagay na ginawa niya ay larawan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap. 6Ngunit si Cristo ay tapat bilang Anak na namamahala sa pamilya ng Dios. At tayo ang pamilya ng Dios, kung patuloy tayong magiging tapat sa pag-asang ipinagmamalaki natin. 7Kaya gaya ng sinasabi ng Banal na Espiritu:
“Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios,
8huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo,
tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo.
Naghimagsik sila laban sa Dios at siyaʼy sinubok nila roon sa ilang.
9 Sinabi ng Dios, ‘Sinubok nila ako sa kasamaan nila,
kahit na nakita nila ang ginawa ko sa loob ng 40 taon.
10Kaya galit na galit ako sa henerasyong ito at sinabi ko,
“Laging lumalayo ang puso nila sa akin,
at ayaw nilang sumunod sa mga itinuturo ko sa kanila.”
11Kaya sa galit ko, isinumpa kong hindi nila makakamtan ang kapahingahang galing sa akin.’ ”#3:11 Salmo 95:7-11.
12Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo at baka maging masama ang puso nʼyo na siyang magpapahina ng pananampalataya nʼyo hanggang sa lumayo kayo sa Dios na buhay. 13Magpaalalahanan kayo araw-araw habang may panahon pa, para walang sinuman sa inyo ang madaya ng kasalanan na nagpapatigas sa puso nʼyo. 14Sapagkat kasama tayo ni Cristo kung mananatiling matatag ang pananampalataya natin sa kanya hanggang sa wakas. 15Gaya nga ng nabanggit sa Kasulatan: “Kung marinig nʼyo ngayon ang tinig ng Dios, huwag ninyong patigasin ang puso nʼyo tulad ng ginawa noon ng mga ninuno nʼyo nang naghimagsik sila laban sa Dios.”#3:15 Salmo 95:7-8. 16Sino ba ang mga taong nakarinig sa tinig ng Dios at naghimagsik pa rin sa kabila nito? Hindi baʼt ang mga inilabas ni Moises sa Egipto? 17At kanino ba nagalit ang Dios sa loob ng 40 taon? Hindi baʼt sa mga nagkasala at namatay sa ilang? 18At sino ba ang isinumpa ng Dios na hindi makakamtan ang kapahingahan? Hindi baʼt ang mga ayaw sumunod sa kanya? 19Kaya malinaw na hindi nila nakamtan ang kapahingahan dahil sa kawalan ng pananampalataya sa Dios.

Currently Selected:

Hebreo 3: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in