Josue 12
12
Ang mga Hari na Natalo sa Silangan ng Jordan
1-2Sinakop na ng mga Israelita ang mga lupain sa silangan ng Ilog Jordan, mula sa Lambak ng Arnon hanggang sa Bundok ng Hermon, kasama na rito ang lupain sa silangan ng Lambak ng Jordan.#12:1-2 Lambak ng Jordan: Tingnan ang “footnote” sa 11:2a. Ganito rin sa talatang 3 at 7. Ito ang mga hari sa mga lugar na natalo ng mga Israelita:
Si Sihon na Amoreo na nakatira sa Heshbon. Sakop ng kaharian niya ang kalahati ng Gilead. Ito ay mula sa Aroer sa tabi ng Lambak ng Arnon, at mula sa gitna nito hanggang sa Lambak ng Jabok, na siyang hangganan ng lupain ng mga Ammonita. 3Sakop din niya ang silangan ng Lambak ng Jordan, mula sa Lawa ng Galilea hanggang sa Bet Jeshimot, sa silangan ng Dagat na Patay#12:3 Dagat na Patay: sa Hebreo, Dagat ng Araba, ang pinakamaalat na dagat. at hanggang sa timog sa ibaba ng libis ng Pisga.
4Ang ikalawa ay si Haring Og ng Bashan. Isa siya sa mga naiwan na Refaimeo. Nakatira siya sa Ashtarot at sa Edrei. 5Ang sakop ng kaharian niya ay ang Bundok ng Hermon, Saleca, ang buong Bashan hanggang sa hangganan ng Geshur at Maaca, at ang kalahati ng Gilead, hanggang sa hangganan ng Heshbon, na ang hari ay si Sihon. 6Tinalo sila ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng mga Israelita. Ibinigay ni Moises ang lupain ng mga ito sa lahi ni Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase bilang mana nila.
Ang mga Hari na Natalo sa Kanluran ng Jordan
7-8Sinakop din ni Josue at ng mga Israelita ang mga lupain sa kanluran ng Jordan, mula sa Baal Gad sa Lambak ng Lebanon hanggang sa Bundok ng Halak na paahon sa Seir. Ibinigay ni Josue ang mga lupaing ito sa mga Israelita bilang mana nila. Hinati niya ito ayon sa bawat lahi nila. Ang mga lupaing ito ay ang mga kabundukan, mga kaburulan sa kanluran,#12:7-8 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela. ang Lambak ng Jordan, ang mga libis, ang disyerto sa timog, at ang Negev. Tinirhan ito dati ng mga Heteo, Amoreo, Cananeo, Perezeo, Hiveo, at mga Jebuseo. Ito ang mga hari ng mga lugar na iyon na tinalo ni Josue at ng mga Israelita:
9ang hari ng Jerico
ang hari ng Ai (malapit sa Betel)
10ang hari ng Jerusalem
ang hari ng Hebron
11ang hari ng Jarmut
ang hari ng Lakish
12ang hari ng Eglon
ang hari ng Gezer
13ang hari ng Debir
ang hari ng Geder,
14ang hari ng Horma
ang hari ng Arad
15ang hari ng Libna
ang hari ng Adulam
16ang hari ng Makeda
ang hari ng Betel
17ang hari ng Tapua
ang hari ng Hefer
18ang hari ng Afek
ang hari ng Lasharon
19ang hari ng Madon
ang hari ng Hazor
20ang hari ng Shimron Meron
ang hari ng Acshaf
21ang hari ng Taanac
ang hari ng Megido
22ang hari ng Kedesh
ang hari ng Jokneam (sa Carmel)
23ang hari ng Dor (sa Nafat Dor)
ang hari ng Goyim (sa Gilgal)
24ang hari ng Tirza.
Ang mga haring ito ay 31 lahat.
Currently Selected:
Josue 12: ASND
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.