Salmo 75
75
Salmo 75#75 Salmo 75 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni Asaf para sa direktor na mga mang-aawit. Inaawit sa tono ng “Huwag Sirain”.
Ang Dios ang Hukom
1O Dios, nagpapasalamat kami sa inyo.
Nagpapasalamat kami dahil malapit kayo sa amin.
Ipinapahayag ng mga tao ang inyong mga kahanga-hangang ginawa.
2Sinabi nʼyo O Dios, “May itinakda akong panahon ng paghatol at hahatol ako nang may katuwiran.”
3Kapag yumanig ang mundo at ang mga taoʼy magkagulo sa takot,
ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.
4Sinasabi ko sa mga hambog, “Huwag kayong magyabang”
at sa masasama, “Huwag ninyong ipagmalaki ang inyong kakayahan.
5Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki na kayo ay nanalo at magpakumbaba na kayo.”
6Dahil ang tagumpay ng taoʼy hindi nagmumula sa kung saan-saan,#75:6 kung saan-saan: sa literal, sa silangan o kanluran o sa ilang.
7kundi sa Dios lamang.
Siya ang humahatol;
kung sino ang ibababa at kung sino ang itataas.
8Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopa na puno ng bumubulang matapang na alak na nagpapahiwatig ng kanyang galit.
Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama hanggang sa huling patak.
9Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag ang tungkol sa Dios ni Jacob,
aawit ako ng mga papuri para sa kanya.
10Aalisin niya#75:10 niya: sa Hebreo, ko. ang kakayahan ng masasama,#75:10 Aalisin niya … masasama: sa Hebreo, Puputulin ko ang lahat ng sungay ng masasama.
ngunit dadagdagan niya ang kapangyarihan ng matutuwid.
Currently Selected:
Salmo 75: ASND
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.