Mga Kawikaan 17
17
1Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan,
mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan.
2Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin,
ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil.
3Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak,
ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat.
4Ang taong masama ay nakikinig sa payo ng masama,
at ang sinungaling ay sumusunod sa baluktot na dila.
5Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal,
at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan.
6Ang mga apo ay putong ng katandaan;
ang karangalan ng mga anak ay ang kanilang magulang.
7Ang pinong pananalita ay di mahahanap sa mangmang,
ni ang kasinungalingan sa taong marangal.
8Sa paniwala ng iba ang suhol ay parang salamangka;
kaya lahat ay makukuha kung may pansuhol ka.
9Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap sa samahan,
ngunit ang pagkakalat ng kahinaan ay sumisira ng pagkakaibigan.
10Ang matalino'y natututo sa isang salita
ngunit ang mangmang ay hindi, hampasin mang walang awa.
11Ang nais ng masama'y paghihimagsik,
kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit.
12Mabuti pang harapin ang inahing osong inagawan ng anak
kaysa kausapin ang isang mangmang na lublob sa kahangalan.
13Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa,
ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala.
14Ang simula ng kaguluha'y parang butas sa isang dike;
na dapat ay sarhan bago ito lumaki.
15Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan,
kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.
16Walang katuturan ang gumugol para sa pag-aaral,
ng isang taong pumili na siya'y maging mangmang.
17Ang#Ecc. 6:7-10. kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon,
at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong.
18Ang mangangakong magbayad para sa utang ng iba,
kamangmangang maituturing ang kanyang ginagawa.
19Ang umiibig sa kaguluhan ay umiibig sa kasalanan;
at ang mayayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
20Ang masamang isipan ay hindi uunlad,
ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad.
21Ang mga magulang ng anak na mangmang,
sakit sa damdamin ang nararanasan.
22Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan,
at ang malungkuti'y unti-unting namamatay.
23Ang katarungan ay hindi nakakamtan,
kung itong masama, suhol ay patulan.
24Karunungan ang pangarap ng taong may unawa,
ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.
25Ang hangal na anak ay problema ng kanyang ama
at pabigat sa damdamin ng kanyang ina.
26Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran,
maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal.
27Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita,
ang mahinahon ay taong may pagkaunawa.
28Ang#Ecc. 20:5. mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong;
kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom.
Currently Selected:
Mga Kawikaan 17: MBB05
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
© 2005 Philippine Bible Society