YouVersion Logo
Search Icon

Mga Kawikaan 3

3
Payo sa mga Kabataang Lalaki
1Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin,
lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;
2upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay,
at maging masagana sa lahat ng kailangan.
3Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran,
ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.
4Sa#Lu. 2:52. gayon, malulugod sa iyo ang Diyos,
at kikilalanin ka ng mga tao.
5Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan,
at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.
6Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,
upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
7Huwag#Ro. 12:16. mong ipagyabang ang iyong nalalaman;
igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.
8Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag,
mawawala ang pighati, gagaling ang iyong sugat.
9Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan,
at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan.
10Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw,
sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.
11Aking#Job 5:17. #Heb. 12:5-6. anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin,
at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil,
12pagkat#Pah. 3:19. lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan,
tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.
13Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan,
at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo.
14Higit pa sa pilak ang pakinabang dito,
at higit sa gintong lantay ang tubo nito.
15Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan,
at walang kayamanang dito ay maipapantay.
16Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman,
may taglay na kayamanan at may bungang karangalan.
17Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman,
at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw.
18Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan,
para siyang punongkahoy na mabunga kailanman.
19Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig,
sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.
20Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig,
pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.
Ang Matiwasay na Pamumuhay
21Aking anak, karunungan at hinahon ay huwag mong iwawala,
huwag babayaang makaalpas sa isipan at gunita.
22Pagkat dulot nito'y masagana at marangal na pamumuhay.
23At kung magkagayo'y lalakad kang matiwasay,
sa landas mo'y hindi ka matatalisod.
24Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin,
at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing.
25Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan,
hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang.
26Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo,
at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo.
27Ang#Ecc. 4:3. kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa,
kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.
28Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan,
huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.”
29Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibigan
na sa iyo'y umaasa, at may tiwalang lubusan.
30Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan,
kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan.
31Huwag kang maiinggit sa taong marahas
ni lalakad man sa masama niyang landas.
32Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot,
ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot.
33Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama,
ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.
34Ang#San. 4:6; 1 Ped. 5:5. mga palalo'y kanyang kinasusuklaman,
ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.
35Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan,
ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang.

Currently Selected:

Mga Kawikaan 3: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in