YouVersion Logo
Search Icon

Mga Awit 2

2
Ang Haring Pinili ni Yahweh
1Bakit#Gw. 4:25-26. nagbabalak maghimagsik ang mga bansa?
Sa sabwatan nilang ito'y anong kanilang mapapala?
2Mga hari ng lupa'y nagkasundo at sama-samang lumalaban,
hinahamon si Yahweh at ang kanyang hinirang:
3Sinasabi nila: “Ang paghahari nila sa atin ay dapat nang matapos;
dapat na tayong lumaya at kumawala sa gapos.”
4Si Yahweh na nakaupo sa langit ay natatawa lamang,
lahat ng plano nila ay wala namang katuturan.
5Sa tindi ng kanyang galit, sila'y kanyang binalaan;
sa tindi ng poot, sila'y kanyang sinabihan,
6“Doon sa Zion, sa bundok na banal,
ang haring pinili ko'y aking itinalaga.”
7“Ipahahayag#Gw. 13:33; Heb. 1:5; 5:5. ko ang sinabi sa akin ni Yahweh,
‘Ikaw ang aking anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong ama.
8Hingin mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo,
maging ang buong daigdig ay ipapamana ko.
9Dudurugin#Pah. 2:26-27; 12:5; 19:15. mo sila ng tungkod na bakal;
tulad ng palayok, sila'y magkakabasag-basag.’”
10Kaya't magpakatalino kayo, mga hari ng mundo,
ang babalang ito'y unawain ninyo:
11Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang,
sa paanan ng kanyang anak 12yumukod kayo't magparangal,
baka magalit siya't bigla kayong parusahan.
Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.

Currently Selected:

Mga Awit 2: MBB05

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in