YouVersion Logo
Search Icon

I MGA CRONICA 4

4
Ang mga Anak ni Juda
1Ang mga anak ni Juda ay sina Perez, Hesron, Carmi, Hur, at Sobal.
2At naging anak ni Reaya na anak ni Sobal si Jahat. Naging anak ni Jahat sina Ahumai at Laad. Ito ang mga angkan ng mga Soratita.
3Si Etam ang ama ng mga ito: sina Jezreel, Isma, at Idbas, at ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Haslelponi;
4at si Penuel na ama ni Gedor, at si Eser na ama ni Husa. Ito ang mga anak ni Hur, na panganay ng Efrata, na ama ng Bethlehem.
5Si Ashur na ama ni Tekoa ay nag-asawa ng dalawa: sina Hela at Naara.
6At ipinanganak sa kanya ni Naara sina Ahuzam, Hefer, Themeni, at Ahastari. Ito ang mga anak ni Naara.
7Ang mga anak ni Hela ay sina Zeret, Izar at Ethnan.
8Naging anak ni Koz sina Anob, at Zobeba; at ang mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.
9Si Jabez ay higit na kagalang-galang kaysa kanyang mga kapatid; at tinawag ng kanyang ina ang kanyang pangalan na Jabez,#4:9 Ang kahulugan ay Hirap. na sinasabi, “Sapagkat ipinanganak ko siya nang may kahirapan.”
10At si Jabez ay dumalangin sa Diyos ng Israel, na nagsasabi, “O ako nawa'y iyong pagpalain, at palawakin ang aking nasasakupan na ang iyong kamay ay sumaakin, at ingatan mo ako sa kasamaan, upang huwag akong maghirap!” At ipinagkaloob ng Diyos sa kanya ang kanyang hiniling.
11Naging anak ni Kelub na kapatid ni Sua si Macir, na siyang ama ni Eston.
12At naging anak ni Eston sina Betrafa, Pasea, Tehina, na ama ni Irnahas. Ito ang mga lalaki ng Reca.
13At ang mga anak ni Kenaz: sina Otniel at Seraya; at ang anak ni Otniel ay si Hatat.
14Naging anak ni Meonathi si Ofra; naging anak ni Seraya si Joab, na ama ng Geharasim;#4:14 o Libis ng mga Manggagawa. sapagkat sila'y mga manggagawa.
15Ang mga anak ni Caleb na anak ni Jefone ay sina Iru, Ela, at Naham; at ang anak#4:15 Sa Hebreo ay mga anak. ni Ela ay si Kenaz.
16Ang mga anak ni Jehalelel ay sina Zif, Zifa, Tirias, at Asarel.
17Ang mga anak ni Ezra ay sina Jeter, Mered, Efer, at Jalon; at ipinanganak niya sina Miriam, Shammai, at Isba, na ama ni Estemoa.
18At ipinanganak ng kanyang asawang Judio si Jered, na ama ni Gedor, at si Eber na ama ni Soco, at si Jekutiel na ama ni Zanoa. At ito ang mga anak ni Bethia na anak na babae ni Faraon, na naging asawa ni Mered.
19Ang mga anak ng asawa ni Hodias, na kapatid na babae ni Naham, ay ang ama ni Keila na Garmita, at ni Estemoa na Maacatita.
20Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan, at Tilon. At ang mga anak ni Ishi ay sina Zohet, at Benzohet.
21Ang mga anak ni Shela na anak ni Juda ay sina Er na ama ni Lecha, at si Laada na ama ni Maresha, at ang mga angkan ng sambahayan ng nagsisigawa ng pinong lino sa Bet-asbea;
22at si Jokim, at ang mga lalaki ng Cozeba, at si Joas, si Saraf, na siyang nagpasuko sa Moab, at si Jasubilehem. Ang mga talaan nga ay luma na.
23Ang mga ito'y mga magpapalayok at mga taga-Netaim at Gedera. Doo'y naninirahan sila na kasama ng hari para sa kanyang gawain.
Ang mga Anak ni Simeon
24Ang mga anak ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera, Shaul;
25si Shallum na kanyang anak, si Mibsam na kanyang anak, si Misma na kanyang anak.
26Ang mga anak ni Misma ay si Hamuel na kanyang anak, si Zacur na kanyang anak, si Shimei na kanyang anak.
27At si Shimei ay nagkaanak ng labing-anim na lalaki at anim na babae; ngunit ang kanyang mga kapatid ay hindi nagkaanak ng marami, o dumami man ang buong angkan nila na gaya ng mga anak ni Juda.
28At#Jos. 19:2-8 sila'y nanirahan sa Beer-seba, sa Molada, sa Hazar-shual;
29sa Bilha, Ezem, Tolad;
30sa Betuel, Horma, Siclag;
31sa Bet-marcabot, Hazar-susim, Bet-beri, at sa Saaraim. Ito ang kanilang mga bayan hanggang sa maghari si David.
32Ang mga nayon ng mga ito ay Etam, Ain, Rimon, Tocen, at Asan; limang bayan.
33Ang lahat ng kanilang mga nayon ay nasa palibot ng mga bayang iyon, hanggang sa Baal. Ang mga ito ang naging kanilang mga tahanan, at sila'y mayroong talaan ng kanilang lahi.
34Sina Mesobab, Jamlec, at si Josha na anak ni Amasias;
35si Joel, at si Jehu na anak ni Josibias, na anak ni Seraya, na anak ni Aziel;
36sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaia, Asaya, Adiel, Jesimiel, at si Benaya;
37at si Ziza na anak ni Sifi, na anak ni Allon, na anak ni Jedias, na anak ni Simri, na anak ni Shemaya.
38Ang mga nabanggit na ito sa pangalan ay mga pinuno sa kanilang mga angkan, at ang mga sambahayan ng kanilang mga magulang ay nadagdagan ng marami.
39Sila'y nagtungo sa pasukan ng Gedor, hanggang sa dakong silangan ng libis, upang ihanap ng pastulan ang kanilang mga kawan.
40Sila'y nakatagpo roon ng mabuting pastulan. Ang lupain ay maluwang, tahimik, at payapa, sapagkat ang mga unang nanirahan doon ay nagmula kay Ham.
41Ang mga nakatalang ito sa pangalan ay dumating sa mga araw ni Hezekias na hari ng Juda, at winasak ang kanilang mga tolda, at ang mga Meunim na natagpuan doon, at nilipol na lubos, hanggang sa araw na ito, at sila'y nanirahang kapalit nila; sapagkat may pastulan doon para sa kanilang mga kawan.
42At ang iba sa kanila, ang limang daang lalaki sa mga anak ni Simeon, ay pumunta sa bundok ng Seir, ang kanilang mga pinuno ay sina Pelatias, Nearias, Refaias, at si Uziel, na mga anak ni Ishi.
43Kanilang pinuksa ang nalabi sa mga Amalekita na nakatakas, at nanirahan sila roon hanggang sa araw na ito.

Currently Selected:

I MGA CRONICA 4: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for I MGA CRONICA 4