YouVersion Logo
Search Icon

I MGA CRONICA 7

7
Ang mga Anak ni Isacar
1Ang mga anak ni Isacar: sina Tola, Pua, Jasub, at Simron, apat.
2Ang mga anak ni Tola: sina Uzi, Refaias, Jeriel, Jamai, Jibsam, at Samuel, mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, sa sambahayan ni Tola; matatapang na mandirigma sa kanilang salinlahi: ang kanilang bilang sa mga araw ni David ay dalawampu't dalawang libo at animnaraan.
3Ang mga anak ni Uzi: si Izrahias, at ang mga anak ni Izrahias: sina Micael, Obadias, Joel, at Ishias, lima. Silang lahat ay mga pinuno.
4At kasama nila ayon sa kanilang mga lahi, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, ay mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma na binubuo ng tatlumpu't anim na libong katao, sapagkat sila'y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak.
5Ang kanilang mga kapatid na kabilang sa lahat ng angkan ni Isacar ay walumpu't pitong libong magigiting na mandirigma na itinala ayon sa talaan ng salinlahi.
Ang mga Anak ni Benjamin
6Ang tatlong anak ni Benjamin ay sina Bela, Beker, at Jediael.
7Ang mga anak ni Bela: sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot, at Iri, lima; mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang; at sila'y binilang ayon sa talaan ng lahi, dalawampu't dalawang libo at tatlumpu't apat na matatapang na mandirigma.
8Ang mga anak ni Beker: sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jerimot, Abias, Anatot, at Alemet. Lahat ng ito'y mga anak ni Beker.
9Ang kanilang bilang ayon sa talaan ng angkan, ayon sa kanilang lahi, na mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang ay dalawampung libo at dalawandaang matatapang na mandirigma.
10Ang mga ito ang mga anak ni Jediael: si Bilhan; at ang mga anak ni Bilhan ay sina Jeus, Benjamin, Ehud, Canaana, Zethan, Tarsis, at Ahisahar.
11Lahat ng ito'y mga anak ni Jediael, ayon sa mga puno ng mga sambahayan ng kanilang mga magulang, labimpitong libo at dalawandaang matatapang na mandirigma at handa upang maglingkod sa digmaan.
12Sina Supim at Hupim ay mga anak ni Hir, si Husim na anak ni Aher.
Ang mga Anak ni Neftali
13Ang mga anak ni Neftali: sina Jaziel, Guni, Jeser, at Shallum, na mga anak ni Bilha.
Ang mga Anak ni Manases
14Ang mga anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kanyang asawang-lingkod na Arameo; ipinanganak niya si Makir na ama ni Gilead.
15At si Makir ay kumuha ng asawa para kina Hupim at kay Supim. Ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Maaca. Ang pangalan ng ikalawa ay Zelofehad, at si Zelofehad ay nagkaanak ng mga babae.
16At si Maaca na asawa ni Makir ay nanganak ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na Peres; at ang pangalan ng kanyang kapatid ay Seres; at ang kanyang mga anak ay sina Ulam at Rekem.
17Ang anak#7:17 Sa Hebreo ay mga anak. ni Ulam: si Bedan. Ito ang mga anak ni Gilead na anak ni Makir, na anak ni Manases.
18At ipinanganak ng kanyang kapatid na babae sina Molec, Ichod, Abiezer, at Mahla.
19At ang mga anak ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Licci, at Aniam.
Ang mga Anak ni Efraim
20Ang mga anak ni Efraim: si Shutela, at si Bered na kanyang anak, si Tahat na kanyang anak, at si Elada na kanyang anak, at si Tahat na kanyang anak,
21si Zabad na kanyang anak, si Shutela na kanyang anak, sina Eser at Elad na pinatay ng mga lalaking ipinanganak sa lupain ng Gat, sapagkat sila'y nagsilusong upang nakawin ang kanilang mga hayop.
22Si Efraim na kanilang ama ay nagluksa nang maraming araw, at ang kanyang mga kapatid ay pumunta upang aliwin siya.
23Si Efraim#7:23 Sa Hebreo ay Siya. ay sumiping sa kanyang asawa; at ito'y naglihi at nagkaanak ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na Beriah, sapagkat ang kasamaan ay dumating sa kanyang bahay.
24Ang kanyang anak na babae ay si Seera, na siyang nagtayo ng Bet-horon sa ibaba at sa itaas, at ng Uzzenseera.
25Naging anak niya sina Refa, Resef, at Tela na kanyang anak, at si Tahan na kanyang anak;
26si Ladan na kanyang anak, si Amihud na kanyang anak, si Elisama na kanyang anak;
27si Nun na kanyang anak, at si Josue na kanyang anak.
28Ang kanilang mga ari-arian at mga tahanan ay ang Bethel at ang mga bayan niyon, ang dakong silangan ng Naaran, ang dakong kanluran ng Gezer pati ng mga nayon niyon; ang Shekem at ang mga bayan niyon, hanggang sa Asa at ang mga nayon niyon;
29at sa mga hangganan ng mga anak ni Manases, ang Bet-shan at ang mga bayan niyon, ang Taanac at ang mga bayan niyon, ang Megido at ang mga bayan niyon, ang Dor at ang mga bayan niyon. Dito nanirahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel.
Ang mga Anak ni Aser
30Ang mga anak ni Aser: sina Imna, Isva, Isui, Beriah, at Sera na kanilang kapatid na babae.
31At ang mga anak ni Beriah: sina Eber, at Malkiel na siyang ama ni Birzabit.
32At naging anak ni Eber: sina Jaflet, Somer, Hotam, at si Shua na kanilang kapatid na babae.
33At ang mga anak ni Jaflet: sina Pasac, Bimhal, at Asvat. Ang mga ito ang mga anak ni Jaflet.
34Ang mga anak ni Semer: sina Ahi, Roga, Jehuba, at Aram.
35At ang mga anak ni Helem na kanyang kapatid: sina Zofa, Imna, Selles, at Amal.
36Ang mga anak ni Zofa: sina Suah, Harnafer, Sual, Beri, Imra,
37Bezer, Hod, Shamna, Silsa, Itran, at Bearah.
38At ang mga anak ni Jeter: sina Jefone, Pispa, at Ara.
39At ang mga anak ni Ulla: sina Arah, Haniel, at Resia.
40Ang lahat ng ito ay mga anak ni Aser, mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang, mga pili at matatapang na mandirigma, mga puno ng mga pinuno. Ang bilang nila ayon sa talaan ng salinlahi para sa paglilingkod sa digmaan ay dalawampu't anim na libong lalaki.

Currently Selected:

I MGA CRONICA 7: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in