I MGA TAGA-CORINTO 16
16
Ambagan para sa mga Banal
1Ngayon,#Ro. 15:25, 26 tungkol sa ambagan para sa mga banal, ay gawin din ninyo gaya ng aking itinagubilin sa mga iglesya sa Galacia.
2Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa inyo ay magbukod at maglaan ayon sa kanyang makakaya, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan pagdating ko.
3At pagdating ko, ang sinumang inyong pipiliin, ay sila ang aking isusugo na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem.
4Kung nararapat na ako ay pumaroon din ay sasamahan nila ako.
Plano ni Pablo sa Paglalakbay
5Ako'y#Gw. 19:21 dadalaw sa inyo pagkaraan ko sa Macedonia, sapagkat balak kong dumaan sa Macedonia;
6at marahil ako'y titigil sa inyo o maaaring magpalipas ng tagginaw, upang ako'y matulungan ninyo, saan man ako pumunta.
7Ayaw kong makita kayo ngayon na dadaanan lamang, sapagkat ako'y umaasa na makagugol ng ilang panahon na kasama ninyo, kung itutulot ng Panginoon.
8Subalit#Lev. 23:15-21; Deut. 16:9-11#Gw. 19:8-10 ako'y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes,
9sapagkat isang maluwag na pintuan para sa mabisang paggawa ang nabuksan sa akin, at marami ang mga kaaway.
10Kapag#1 Cor. 4:17 si Timoteo ay dumating, sikapin ninyo na wala siyang anumang kinakatakutan sa gitna ninyo, sapagkat siya'y gumagawa ng gawain ng Panginoon, na gaya ko.
11Sinuman ay huwag humamak sa kanya. Suguin ninyo siya sa kanyang paglalakbay na may kapayapaan upang siya'y makarating sa akin, sapagkat inaasahan ko siyang kasama ng mga kapatid.
12Tungkol naman kay kapatid na Apolos, pinakiusapan ko siyang mabuti na dalawin kayo kasama ng ibang mga kapatid, subalit hindi pa niya nais na pumariyan ngayon. Ngunit siya'y darating kapag mayroon na siyang pagkakataon.
Pagwawakas at Pagbati
13Magmatyag kayo, manindigan kayong matibay sa pananampalataya, magpakalalaki kayo, magpakatatag kayo.
14Lahat ng inyong ginagawa ay gawin ninyo sa pag-ibig.
15Mga#1 Cor. 1:16 kapatid, ngayon ay nakikiusap ako sa inyo. Nalalaman ninyo na ang sambahayan ni Estefanas ang mga unang bunga ng Acaia, at kanilang itinalaga ang kanilang sarili sa paglilingkod sa mga banal.
16Hinihiling ko sa inyo na kayo ay pasakop sa gayong mga tao at sa bawat isa na gumagawang kasama nila.
17Ako'y natutuwa sa pagdating nina Estefanas, Fortunato, at Acaico, sapagkat ang kakulangan ninyo ay pinunan nila.
18Sapagkat pinaginhawa nila ang aking espiritu at ang sa inyo. Kaya't magbigay kayo ng pagkilala sa gayong mga tao.
19Binabati#Gw. 18:2 kayo ng mga iglesya sa Asia. Kayo'y buong pusong binabati sa Panginoon nina Aquila at Prisca#16:19 o Priscila. kasama ng iglesyang nasa kanilang bahay.
20Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid. Magbatian kayo ng banal na halik.
21Akong si Pablo ang sumusulat ng pagbating ito sa aking sariling kamay.
22Kung ang sinuman ay hindi umiibig sa Panginoon ay sumpain siya. Maranatha.#16:22 MARANATHA: Salitang Aramaico na ang kahulugan ay Panginoon pumarito ka.
23Ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo nawa.
24Ang aking pag-ibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat. Amen.
Currently Selected:
I MGA TAGA-CORINTO 16: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001