YouVersion Logo
Search Icon

I SAMUEL 13

13
Ang Pakikipaglaban sa mga Filisteo
1Si Saul ay …#13:1 Walang bilang sa talatang Hebreo. taong gulang nang siya'y magsimulang maghari; at siya'y naghari ng … at dalawang#13:1 Ang bilang “2” ay hindi ang kabuuang bilang. Mayroong nawala. taon sa Israel.
2Pumili si Saul ng tatlong libong lalaki sa Israel. Ang dalawang libo ay kasama ni Saul sa Mikmas at sa maburol na lupain ng Bethel, at ang isang libo ay kasama ni Jonathan sa Gibea ng Benjamin. Ang nalabi sa mga tao ay pinauwi niya, bawat isa sa kanyang tolda.
3Ginapi ni Jonathan ang tanggulan ng mga Filisteo na nasa Geba at ito ay nabalitaan ng mga Filisteo. At hinipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain, na sinasabi, “Makinig ang mga Hebreo.”
4At narinig ng buong Israel na nagapi ni Saul ang tanggulan ng mga Filisteo, at ang Israel naman ay naging kasuklamsuklam sa mga Filisteo. At ang taong-bayan ay tinawagan upang sumanib kay Saul sa Gilgal.
Si Saul sa Gilgal
5Ang mga Filisteo ay nagtipun-tipon upang lumaban sa Israel, tatlumpung libong karwahe at anim na libong mangangabayo, at ang hukbo ay gaya ng buhangin sa baybayin ng dagat sa dami; at sila'y umahon at humimpil sa Mikmas sa silangan ng Bet-haven.
6Nang makita ng mga kalalakihan ng Israel na sila'y nasa kagipitan, (sapagkat ang taong-bayan ay naiipit) ang taong-bayan ay nagkubli sa mga yungib, mga lungga, batuhan, mga libingan, at sa mga balon.
7Ang iba sa mga Hebreo ay tumawid sa Jordan patungo sa lupain ng Gad at ng Gilead; ngunit si Saul ay nasa Gilgal at ang buong bayan ay sumunod sa kanya na nanginginig.
8Siya'y#1 Sam. 10:8 naghintay ng pitong araw ayon sa panahong itinakda ni Samuel; ngunit si Samuel ay hindi dumating sa Gilgal; at ang taong-bayan ay nagsimulang humiwalay kay Saul.#13:8 Sa Hebreo ay sa kanya.
9Kaya't sinabi ni Saul, “Dalhin dito sa akin ang handog na susunugin, at ang handog pangkapayapaan.” At kanyang inialay ang handog na sinusunog.
10Pagkatapos niyang maialay ang handog na sinusunog, si Samuel ay dumating. Lumabas si Saul upang salubungin siya at batiin.
Maling Paghahandog ni Saul
11Sinabi ni Samuel, “Anong ginawa mo?” At sinabi ni Saul, “Nang aking makita na ang taong-bayan ay humihiwalay sa akin, at hindi ka dumating sa loob ng mga takdang araw, at ang mga Filisteo ay nagkatipon sa Mikmas;
12ay aking sinabi, ‘Ngayo'y lulusungin ako ng mga Filisteo sa Gilgal, at hindi ko pa nahihingi ang biyaya ng Panginoon;’ kaya't pinilit ko ang aking sarili at inialay ko ang handog na sinusunog.”
13Sinabi ni Samuel kay Saul, “Kahangalan ang ginagawa mo. Hindi mo tinupad ang utos ng Panginoon mong Diyos na iniutos niya sa iyo. Ngayo'y itinatag sana ng Panginoon ang iyong kaharian sa Israel magpakailanman.
14Ngunit#Gw. 13:22 ngayon ay hindi na magpapatuloy ang iyong kaharian. Ang Panginoon ay humanap na ng isang lalaking ayon sa kanyang sariling puso, at itinalaga siya ng Panginoon upang maging pinuno sa kanyang bayan, sapagkat hindi mo tinupad ang iniutos ng Panginoon sa iyo.”
15Tumindig si Samuel at umahon mula sa Gilgal patungo sa Gibea ng Benjamin. Binilang ni Saul ang mga taong kasama niya, may animnaraang lalaki.
16Si Saul, si Jonathan na kanyang anak, at ang mga taong kasama nila ay tumigil sa Geba ng Benjamin; ngunit ang mga Filisteo ay humimpil sa Mikmas.
17At ang mga mananalakay ay lumabas na tatlong pangkat sa kampo ng mga Filisteo. Ang isang pangkat ay lumiko sa daang patungo sa Ofra, na patungo sa lupain ng Sual.
18Ang isa pang pangkat ay lumiko sa daang patungo sa Bet-horon, at ang isang pangkat ay lumiko sa hangganan na palusong sa libis ng Zeboim patungo sa ilang.
Walang Sandata ang Israel
19Noon ay walang panday na matagpuan sa buong lupain ng Israel, sapagkat sinasabi ng mga Filisteo, “Baka ang mga Hebreo ay gumawa ng kanilang mga tabak o mga sibat;”
20ngunit nilusong ng lahat ng mga Israelita ang mga Filisteo upang ihasa ng bawat lalaki ang kanyang pang-araro, asarol, palakol, at piko;
21gayunma'y mayroon silang pangkikil para sa mga piko, asarol, kalaykay, at sa mga palakol, at panghasa ng mga panundot.#13:21 Sa Hebreo ay di-tiyak ang kahulugan ng talatang ito.
22Kaya't sa araw ng paglalaban ay wala kahit tabak o sibat mang matatagpuan sa kamay ng sinuman sa mga taong kasama nina Saul at Jonathan. Sina Saul at Jonathan na kanyang anak lamang ang mayroon ng mga ito.
23At ang pulutong ng mga Filisteo ay lumabas patungo sa lagusan ng Mikmas.

Currently Selected:

I SAMUEL 13: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in