II MGA TAGA CORINTO 3
3
Mga Lingkod ng Bagong Tipan
1Magsisimula ba kaming muli na purihin ang aming sarili? O kailangan ba namin, gaya ng iba, ng mga sulat ng papuri sa inyo, o mula sa inyo?
2Kayo mismo ang aming sulat na nasusulat sa aming mga puso, nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao:
3ipinapakita#Exo. 24:12; Jer. 31:33; Ez. 11:19; 36:26 ninyo na kayo'y sulat ni Cristo na iniingatan namin, isinulat hindi ng tinta, kundi ng Espiritu ng Diyos na buháy, hindi sa mga tapyas ng bato kundi sa mga tapyas ng puso ng tao.
4Gayon ang pagtitiwalang taglay namin sa pamamagitan ni Cristo tungo sa Diyos.
5Hindi sa kami ay may kakayahan mula sa aming sarili upang angkinin ang anuman na nagmula sa amin, kundi ang aming kakayahan ay mula sa Diyos;
6na#Jer. 31:31 ginawa kaming may kakayahan na maging mga lingkod ng bagong tipan, hindi ng titik, kundi ng Espiritu, sapagkat ang titik ay pumapatay, subalit ang Espiritu ay nagbibigay buhay.
7Ngunit#Exo. 34:29 kung ang pangangasiwa#3:7 o ministeryo. ng kamatayan na nasusulat at nakaukit sa mga bato ay may kaluwalhatian, anupa't ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kanyang mukha, na ang kaluwalhatiang iyon ay lumilipas,
8paanong ang pangangasiwa#3:8 o ministeryo. ng Espiritu ay hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian?
9Sapagkat kung ang pangangasiwa#3:9 o ministeryo. ng kahatulan ay may kaluwalhatian, ang pangangasiwa ng katuwiran ay lalong may higit na kaluwalhatian.
10Tunay na sa ganitong kalagayan, ang dating may kaluwalhatian ay nawalan ng kanyang kaluwalhatian, dahil sa kaluwalhatiang nakahihigit dito.
11Sapagkat kung ang bagay na lumilipas ay may kaluwalhatian, ang nananatili ay may higit pang kaluwalhatian.
12Yamang kami ay mayroong gayong pag-asa, kami ay kumikilos na may malaking katapangan,
13hindi#Exo. 34:33 gaya ni Moises, na naglagay ng talukbong sa kanyang mukha upang hindi makita ng mga anak ni Israel ang katapusan ng bagay na lumilipas.
14Subalit ang kanilang mga pag-iisip ay tumigas, sapagkat hanggang sa araw na ito, kapag kanilang binabasa ang lumang tipan, ang dating talukbong ay nananatiling hindi itinataas, sapagkat tanging sa pamamagitan ni Cristo ito inaalis.
15Subalit hanggang sa araw na ito, tuwing binabasa ang kautusan ni Moises,#3:15 ang kautusan ni Moises: Sa Griyego ay si Moises. may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso.
16Ngunit#Exo. 34:34 kapag ang isang tao ay bumabaling sa Panginoon, ang talukbong ay naaalis.
17Ngayon, ang Panginoon ay siyang Espiritu, at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon, mayroong kalayaan.
18At tayong lahat, na walang talukbong ang mukha, na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu.
Currently Selected:
II MGA TAGA CORINTO 3: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001