HEBREO 3
3
Higit na Dakila kay Moises
1Kaya, mga banal na kapatid, mga kabahagi sa makalangit na pagkatawag, isaalang-alang ninyo na si Jesus, ang Apostol at Pinakapunong Pari ng ating pagpapahayag,
2ay#Bil. 12:7 tapat sa nagtalaga sa kanya, gaya ni Moises na tapat sa buong sambahayan ng Diyos.#3:2 Sa Griyego ay niya.
3Sapagkat siya ay itinuring na karapat-dapat sa higit na kaluwalhatian kaysa kay Moises, yamang ang nagtayo ng bahay ay may higit na karangalan kaysa bahay.
4Sapagkat ang bawat bahay ay may nagtayo, subalit ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Diyos.
5At si Moises ay naging tapat sa buong sambahayan ng Diyos#3:5 Sa Griyego ay niya. gaya ng isang lingkod, bilang patotoo sa mga bagay na sasabihin.
6Subalit si Cristo ay tapat sa bahay ng Diyos,#3:6 Sa Griyego ay niya. bilang isang anak, at tayo ang bahay na iyon kung ating iingatang matibay hanggang sa katapusan ang ating pagtitiwala at pagmamalaki sa ating pag-asa.
Kapahingahan para sa Bayan ng Diyos
7Kaya't#Awit 95:7-11 (LXX) gaya ng sinasabi ng Espiritu Santo,
“Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig,
8huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso gaya ng sa paghihimagsik,
gaya ng sa araw ng pagsubok sa ilang,
9na doon ay sinubok ako ng inyong mga ninuno,
bagaman nakita nila ang aking mga gawa sa loob ng 10apatnapung taon.
Kaya't nagalit ako sa lahing ito,
at aking sinabi, ‘Sila'y laging naliligaw sa kanilang puso,
at hindi nila nalaman ang aking mga daan.’
11Gaya ng sa aking galit ay aking isinumpa,
‘Hindi sila papasok sa aking kapahingahan.’”
12Mga kapatid, mag-ingat kayo, na walang sinuman sa inyo ang may pusong masama at walang pananampalataya na naglalayo sa buháy na Diyos.
13Ngunit magpayuhan kayo sa isa't isa araw-araw, habang ito ay tinatawag na “ngayon,” upang walang sinuman sa inyo ang papagmatigasin ng pagiging madaya ng kasalanan.
14Sapagkat tayo'y nagiging kabahagi ni Cristo kung ating hinahawakang matatag ang pasimula ng ating pagtitiwala hanggang sa katapusan.
15Gaya#Awit 95:7, 8 (LXX) ng sinasabi,
“Ngayon, kung marinig ninyo ang kanyang tinig,
huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa paghihimagsik.”
16Sinu-sino#Bil. 14:1-35 ba sila na matapos makarinig ay naghimagsik? Hindi ba ang lahat ng umalis sa Ehipto sa pamamagitan ni Moises?
17Ngunit kanino siya galit nang apatnapung taon? Hindi ba sa mga nagkasala, na ang mga katawan ay nabuwal sa ilang?
18At kanino siya sumumpa na hindi sila makakapasok sa kanyang kapahingahan, kung hindi sa mga sumuway?
19Kaya't nakikita natin na sila'y hindi nakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.
Currently Selected:
HEBREO 3: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001