ISAIAS 18
18
1Ah,#Sef. 2:12 ang lupain ng pakpak na pumapagaspas,
na nasa kabila ng mga ilog ng Etiopia;
2na nagpapadala ng mga sugo sa gilid ng Nilo,
sa mga sasakyang-papiro sa ibabaw ng karagatan!
Humayo kayo, maliliksing sugo,
sa bansang mataas at patag,
sa bayang kinatatakutan sa malayo at malapit;
isang bansang makapangyarihan at nananakop,
na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!
3Kayong lahat na nananahan sa sanlibutan,
at kayong mga naninirahan sa lupa,
kapag ang isang hudyat ay itinaas sa mga bundok, ay inyong tingnan!
Kapag ang trumpeta ay hinipan, makinig kayo!
4Sapagkat ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin,
“Ako'y tahimik na titingin mula sa aking tinitirhan,
gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw,
gaya ng ulap na hamog sa init ng pag-aani.”
5Sapagkat bago mag-ani, kapag ang pamumulaklak ay tapos na,
at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog,
kanyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong,
at ang nakaladlad na mga sanga ay kanyang puputulin.
6Ang mga iyon ay pawang maiiwan
sa mga ibong mandaragit sa mga bundok,
at sa mga hayop sa lupa.
At kakainin ang mga iyon ng mga ibong mandaragit sa panahon ng tag-init,
at kakainin ang mga iyon ng lahat na hayop sa lupa sa taglamig.
7Sa panahong iyon ay dadalhin ang mga kaloob sa Panginoon ng mga hukbo
ng mga taong matataas at makikisig,
at mula sa bayang kinatatakutan sa malapit at malayo;
isang bansang makapangyarihan at nananakop,
na ang lupain ay hinahati ng mga ilog,
sa Bundok ng Zion, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo.
Currently Selected:
ISAIAS 18: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001