ISAIAS 20
20
1Nang taong dumating ang punong-kawal sa Asdod, na isinugo ni Sargon na hari ng Asiria, at siya'y nakipaglaban doon at nasakop iyon,
2nang panahong iyon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Isaias na anak ni Amoz, na sinasabi, “Ikaw ay humayo, at kalagin mo ang damit-sako sa iyong mga balakang, at hubarin mo ang sapin sa iyong paa.” At ginawa niyang gayon at lumakad na hubad at yapak.
3At sinabi ng Panginoon, “Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at yapak sa loob ng tatlong taon bilang tanda at babala sa Ehipto at Etiopia,
4gayon ilalayo ng hari ng Asiria ang mga bihag na Ehipcio at taga-Etiopia, bata at matanda, hubad at yapak, at may mga piging nakalitaw, sa ikapapahiya ng Ehipto.
5Sila'y manlulupaypay at malilito, dahil sa Etiopia na kanilang pag-asa at sa Ehipto na kanilang ipinagmamalaki.
6At ang naninirahan sa baybaying ito ay magsasabi sa araw na iyon, ‘Narito, ito ang nangyari doon sa aming inaasahan at aming tinakbuhan upang hingan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria! At kami, paano kami makakatakas?’”
Currently Selected:
ISAIAS 20: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001