YouVersion Logo
Search Icon

ISAIAS 25

25
Awit ng Papuri sa Panginoon
1O Panginoon, ikaw ay Diyos ko;
aking dadakilain ka, aking pupurihin ang pangalan mo;
sapagkat ikaw ay gumawa ng kagila-gilalas na bagay,
samakatuwid ay ang iyong binalak noong una, tapat at tiyak.
2Sapagkat iyong ginawang isang bunton ang lunsod,
ang bayang matibay ay ginawang isang guho;
ang palasyo ng mga dayuhan ay di na bayan,
ito'y hindi na maitatayo kailanman.
3Kaya't luluwalhatiin ka ng malalakas na mamamayan,
ang mga lunsod ng malulupit na mga bansa ay matatakot sa iyo.
4Sapagkat ikaw sa mga dukha ay naging kanlungan,
isang kanlungan sa nangangailangan sa kanyang kahirapan,
silungan sa bagyo at lilim sa init,
sapagkat ang ihip ng mga malulupit ay parang bagyo laban sa pader,
5gaya ng init sa tuyong dako.
Sinupil mo ang ingay ng mga dayuhan;
gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap,
ang awit ng mga malulupit ay napatahimik.
6At sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan ng isang kapistahan ng matatabang bagay, ng isang kapistahan ng mga nilumang alak, ng matatabang bagay na punô ng utak, ng mga lumang alak na totoong dinalisay.
7At kanyang wawasakin sa bundok na ito ang takip na inilagay sa lahat ng mga bayan, at ang lambong na iniladlad sa lahat ng bansa.
8Lulunukin#1 Cor. 15:54; Apoc. 7:17; 21:4 niya ang kamatayan magpakailanman at papahirin ng Panginoong Diyos ang mga luha sa lahat ng mga mukha. Ang paghamak sa kanyang bayan ay maaalis sa buong lupa, sapagkat ang Panginoon ang nagsalita.
9At sasabihin sa araw na iyon, “Ito'y ating Diyos; hinintay natin siya at ililigtas niya tayo. Ito ang Panginoon; ating hinintay siya, tayo'y matuwa at magalak sa kanyang pagliligtas.”
10Sapagkat#Isa. 15:1–16:14; Jer. 48:1-47; Ez. 25:8-11; Amos 2:1-3; Sef. 2:8-11 ang kamay ng Panginoon ay magpapahinga sa bundok na ito. Ang Moab ay mayayapakan sa kanyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.
11At kanyang iuunat ang kanyang mga kamay sa gitna niyon, gaya ng manlalangoy na nag-uunat ng kanyang mga kamay sa paglangoy; ngunit ibababa ng Panginoon ang kanyang kapalaluan kasama ng kakayahan ng kanyang mga kamay.
12At ang matataas na muog ng kanyang mga kuta ay kanyang ibababa, ilulugmok, at ibabagsak sa lupa, hanggang sa alabok.

Currently Selected:

ISAIAS 25: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for ISAIAS 25