YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 132

132
Awit ng Pag-akyat.
1 Panginoon, alalahanin mo para kay David
ang lahat ng kanyang kahirapan,
2kung paanong sumumpa siya sa Panginoon,
at nangako sa Makapangyarihan ni Jacob,
3“Hindi ako papasok sa aking bahay,
ni hihiga sa aking higaan,
4Mga mata ko'y hindi ko patutulugin,
ni mga talukap ng mata ko'y paiidlipin,
5hanggang sa ako'y makatagpo ng lugar para sa Panginoon,
isang tirahang pook para sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”
6Narinig#2 Cro. 6:41, 42 namin ito sa Efrata,
natagpuan namin ito sa mga parang ng Jaar.
7“Tayo na sa kanyang lugar na tirahan;
sumamba tayo sa kanyang paanan!”
8Bumangon ka, O Panginoon, at pumunta ka sa iyong dakong pahingahan,
ikaw at ang kaban ng iyong kalakasan.
9Ang iyong mga pari ay magsipagbihis ng katuwiran,
at sumigaw sa kagalakan ang iyong mga banal.
10Alang-alang kay David na iyong lingkod,
mukha ng iyong binuhusan ng langis ay huwag mong italikod.
11Ang#2 Sam. 7:12-16; 1 Cro. 17:11-14; Awit 89:3, 4; Gw. 2:30 Panginoon ay sumumpa kay David ng isang katotohanan
na hindi niya tatalikuran:
“Ang bunga ng iyong katawan
ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
12Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan
at ang aking patotoo na aking ituturo sa kanila,
magsisiupo rin ang mga anak nila sa iyong trono magpakailanman.”
13Sapagkat pinili ng Panginoon ang Zion;
kanya itong ninasa para sa kanyang tirahan.
14“Ito'y aking pahingahang dako magpakailanman;
sapagkat ito'y aking ninasa, dito ako tatahan.
15Ang kanyang pagkain ay pagpapalain ko ng sagana;
aking bubusugin ng tinapay ang kanyang dukha.
16Ang kanyang mga pari ay daramtan ko ng kaligtasan,
at ang kanyang mga banal ay sisigaw ng malakas sa kagalakan.
17Doo'y#1 Ha. 11:36 magpapasibol ako ng sungay para kay David,
aking ipinaghanda ng ilawan ang aking binuhusan ng langis.
18Ang kanyang mga kaaway ay daramtan ko ng kahihiyan,
ngunit ang kanyang korona ay magbibigay ng kaningningan.”

Currently Selected:

MGA AWIT 132: ABTAG01

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in