MGA AWIT 73
73
IKATLONG AKLAT
(Mga Awit 73–89)
Awit ni Asaf.
1Tunay na ang Diyos ay mabuti sa Israel,
sa mga taong ang puso'y malilinis.
2Ngunit tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos natisod,
ang mga hakbang ko'y muntik nang nadulas.
3Sapagkat ako'y nainggit sa palalo;
aking nakita ang kaginhawahan ng masama.
4Sapagkat walang mga hapdi ang kanilang kamatayan,
at ang kanilang katawan ay matataba.
5Sila'y wala sa kaguluhan na gaya ng ibang mga tao;
hindi sila nagdurusa na gaya ng ibang mga tao.
6Kaya't ang kanilang kuwintas ay kapalaluan,
ang karahasan ay tumatakip sa kanila bilang bihisan.
7Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan,
ang kanilang mga puso ay umaapaw sa kahangalan.
8Sila'y nanlilibak at nagsasalita na may kasamaan,
sila'y nagsasalita mula sa kaitaasan.
9Kanilang inilagay ang kanilang mga bibig sa mga langit,
at ang kanilang dila ay nagpapagala-gala sa ibabaw ng lupa.
10Kaya't bumabalik dito ang kanyang bayan,
at tubig ng kasaganaan ay iniinom nila.
11At kanilang sinasabi, “Paanong nalalaman ng Diyos?
May kaalaman ba sa Kataas-taasan?”
12Narito, ang mga ito ang masasama;
laging tiwasay, sa kayamanan ay sumasagana.
13Sa walang kabuluhan ay pinanatili kong malinis ang aking puso,
at ang aking mga kamay sa kawalang-sala ay hinuhugasan ko.
14Sapagkat buong araw ako ay pinahihirapan,
at tuwing umaga ay napaparusahan.
15Kung aking sinabi, “Ako'y magsasalita ng ganito;”
ako'y hindi magiging tapat sa salinlahi ng mga anak mo.
16Ngunit nang aking isipin kung paano ito uunawain,
sa akin ay parang napakahirap na gawain,
17hanggang sa ako'y pumasok sa santuwaryo ng Diyos,
saka ko naunawaan ang kanilang katapusan.
18Tunay na sa madudulas na dako sila'y iyong inilalagay,
iyong ibinabagsak sila sa kapahamakan.
19Gaya na lamang ang pagkawasak nila sa isang iglap,
tinatangay na lubusan ng mga sindak!
20Sila'y gaya ng panaginip kapag nagigising ang isang tao,
sa pagkagising ang kanilang larawan ay hinahamak mo.
21Nang ang aking kaluluwa ay nagdamdam,
nang ang kalooban ko'y nasaktan,
22ako'y naging hangal at mangmang;
ako'y naging gaya ng hayop sa harapan mo.
23Gayunman ako'y kasama mong palagian,
inaalalayan mo ang aking kanang kamay.
24Sa iyong payo ako'y iyong pinapatnubayan,
at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25Anong mayroon ako sa langit kundi ikaw?
at liban sa iyo'y wala akong anumang ninanasa sa lupa.
26Ang aking laman at ang aking puso ay maaaring manghina,
ngunit ang Diyos ang lakas ng aking puso at bahagi ko magpakailanman.
27Sapagkat narito, malilipol silang malayo sa iyo;
ang lahat na hindi tapat sa iyo ay winakasan mo.
28Ngunit para sa akin, ang pagiging malapit ng Diyos ay aking kabutihan;
ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Diyos,
upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.
Currently Selected:
MGA AWIT 73: ABTAG01
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
©Philippine Bible Society, 2001

: