I MGA CRONICA 6
6
Mga anak ni Levi.
1Ang mga anak ni Levi: si Gerson, si Coath, at si Merari.
2At ang mga anak ni Coath: si Amram, si Ishar, at si Hebron, at si Uzziel.
3At ang mga anak ni Amram: si Aaron, at si Moises, at si Mariam. At ang mga anak ni Aaron: si Nadab, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.
4Naging anak ni #Hanggang tal. 5, 11-14; Ezra 7:1-5, 8, 50-53.Eleazar si Phinees, naging anak ni Phinees si Abisua;
5At naging anak ni Abisua si Bucci, at naging anak ni Bucci si Uzzi;
6At naging anak ni Uzzi si Zeraias, at naging anak ni Zeraias si Meraioth;
7Naging anak ni Meraioth si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;
8At naging anak ni Achitob si #2 Sam. 8:17; 1 Hari 2:35.Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Achimaas;
9At naging anak ni Achimaas si Azarias, at naging anak ni Azarias si Johanan;
10At naging anak ni Johanan si Azarias (na siyang pangulong saserdote sa bahay na itinayo ni Salomon sa Jerusalem:)
11At naging anak ni Azarias si Amarias, at naging anak ni Amarias si Achitob;
12At naging anak ni Achitob si Sadoc, at naging anak ni Sadoc si Sallum;
13At naging anak ni Sallum si #2 Hari 22:4, etc.; Ezra 7:1.Hilcias, at naging anak ni Hilcias si Azarias;
14At naging anak ni Azarias si #2 Hari 25:18.Seraiah, at naging anak ni Seraiah si Josadec;
15At si Josadec ay nabihag nang dalhing bihag ng Panginoon ang Juda at ang Jerusalem #2 Hari 25:21.sa pamamagitan ng kamay ni Nabucodonosor.
16Ang mga #Hanggang tal. 19; Ex. 6:16-19.anak ni Levi: si Gersom, si Coath, at si Merari.
17At ang mga ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gersom: si Libni at si Simi.
18At ang mga anak ni Coath ay si Amram, at si Ishar at si Hebron, at si Uzziel.
19Ang mga anak ni Merari: si Mahali at si Musi. At ang mga ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
20Kay Gerson: si Libni na kaniyang anak, si Joath na kaniyang anak, si Zimma na kaniyang anak;
21Si Joab na kaniyang anak, si Iddo na kaniyang anak, si Zera na kaniyang anak, si Jeothrai na kaniyang anak.
22Ang mga anak ni Coath: si Aminadab na kaniyang anak, si Core na kaniyang anak, si Asir na kaniyang anak;
23Si Elcana na kaniyang anak, at si Abiasaph na kaniyang anak, at si Asir na kaniyang anak;
24Si Thahath na kaniyang anak, si Uriel na kaniyang anak, si Uzzia na kaniyang anak, at si Saul na kaniyang anak.
25At ang mga anak ni Elcana: si Amasai at si Achimoth.
26Tungkol kay Elcana, ang mga anak ni Elcana: si Sophai na kaniyang anak, at si Nahath na kaniyang anak;
27Si Eliab na kaniyang anak, si Jeroham na kaniyang anak, si Elcana na kaniyang anak.
28At ang mga anak ni Samuel: ang panganay ay si Joel, at ang ikalawa'y si Abias.
29Ang mga anak ni Merari: si Mahali, si Libni na kaniyang anak, si Simi na kaniyang anak, si Uzza na kaniyang anak;
30Si Sima na kaniyang anak, si Haggia na kaniyang anak, si Assia na kaniyang anak.
Mga mangaawit na Levita.
31At ang mga ito ang mga inilagay ni David sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, #2 Sam. 6:12; 1 Cron. 16:1.pagkatapos na maipagpahinga ang kaban.
32At sila'y nagsipangasiwa sa pamamagitan ng awit sa harap ng tolda ng tabernakulo ng kapisanan hanggang sa itinayo ni Salomon ang bahay ng Panginoon sa Jerusalem: at sila'y nagsipaglingkod sa kanilang katungkulan ayon sa kanilang pagkakahalihalili.
33At ang mga ito ang nagsipaglingkod at ang kanilang mga anak. Sa mga anak ng mga Coathita: si #1 Cron. 15:17, 19; Awit 88: titik.Heman, na mangaawit, na anak ni Joel, na anak ni Samuel;
34Na anak ni Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliel, na anak ni Thoa;
35Na anak ni Suph, na anak ni Elcana, na anak ni Mahath, na anak ni Amasai;
36Na anak ni Elcana, na anak ni Joel, na anak ni Azarias, na anak ni Sophonias;
37Na anak ni Thahat, na anak ni Asir, na anak ni Ahiasaph, na anak ni Core;
38Na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi, na anak ni Israel.
39At ang kaniyang kapatid na si Asaph, na siyang nakatayo sa kaniyang kanan, sa makatuwid baga'y si Asaph na anak ni Berachias, na anak ni Sima;
40Na anak ni Michael, na anak ni Baasias, na anak ni Malchias;
41Na anak ni Athanai, na anak ni Zera, na anak ni Adaia;
42Na anak ni Ethan, na anak ni Zimma, na anak ni Simi;
43Na anak ni Jahat, na anak ni Gersom, na anak ni Levi.
44At sa kaliwa ay ang kanilang mga kapatid na mga anak ni Merari: si Ethan na anak ni Chisi, na anak ni Abdi, na anak ni Maluch;
45Na anak ni Hasabias, na anak ni Amasias, na anak ni Hilcias;
46Na anak ni Amasias, na anak ni Bani, na anak ni Semer;
47Na anak ni Mahali, na anak ni Musi, na anak ni Merari, na anak ni Levi.
48At ang kanilang mga kapatid na mga Levita ay #Blg. 3:9; 1 Cron. 9:2.nangahalal sa buong paglilingkod sa tabernakulo ng bahay ng Dios.
Ang mga saserdote na mga Levita.
49Nguni't si Aaron at ang kaniyang mga anak ay #Lev. 1:9.nagsipaghandog sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin, #Ex. 30:7.at sa ibabaw ng dambana ng kamangyan, para sa buong gawain sa kabanalbanalang dako, at #Ex. 30:10; Lev. 4:20.upang tubusin sa sala ang Israel, ayon sa lahat na iniutos ni Moises na lingkod ng Dios.
50At ang mga ito ang mga #Hanggang tal. 4-8, 53.anak ni Aaron: si Eleazar na kaniyang anak, si Phinees na kaniyang anak, si Abisua na kaniyang anak,
51Si Bucci na kaniyang anak, si Uzzi na kaniyang anak, si Zeraias na kaniyang anak,
52Si Meraioth na kaniyang anak, si Amarias na kaniyang anak, si Achitob na kaniyang anak,
53Si Sadoc na kaniyang anak, si Achimaas na kaniyang anak.
Ang mga tirahang dako ng mga Levita.
54Ang mga ito nga ang kanilang mga tahanang dako ayon sa kanilang mga kampamento sa kanilang mga hangganan; sa mga anak ni Aaron, na sa mga angkan ng mga Coathita, (sapagka't #Jos. 21:4.sa kanila ang unang palad.)
55 # Hanggang tal. 60; Jos. 21:11-19. Sa kanila ibinigay nila ang Hebron sa lupain ng Juda, at ang mga nayon niyaon sa palibot,
56Nguni't ang mga bukid ng bayan, at ang mga nayon niyaon, ay kanilang ibinigay kay Caleb na anak ni Jephone.
57At sa mga anak ni Aaron ay kanilang ibinigay ang mga bayang ampunan, ang Hebron; gayon din ang Libna pati ng mga nayon niyaon, at ang Jathir, at ang Esthemoa pati ng mga nayon niyaon:
58At ang Hilem pati ng mga nayon niyaon, ang Debir pati ng mga nayon niyaon;
59At ang Asan pati ng mga nayon niyaon, at ang Beth-semes pati ng mga nayon niyaon:
60At mula sa lipi ni Benjamin; ang Geba pati ng mga nayon niyaon, at ang Alemeth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anathoth pati ng mga nayon niyaon. Ang lahat na kanilang bayan sa lahat na kanilang angkan ay labing tatlong bayan.
61At sa nalabi sa mga anak ni Coath ay nabigay sa pamamagitan ng #Jos. 21:5.sapalaran, sa angkan ng lipi, sa kalahating lipi, na kalahati ng Manases, sangpung bayan.
62At sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang mga angkan, sa lipi ni Issachar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Nephtali, at sa lipi ni Manases sa Basan, labing tatlong bayan.
63Sa mga anak ni Merari ay nabigay sa pamamagitan ng sapalaran, ayon sa kanilang mga angkan sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zabulon, labing dalawang bayan.
64At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga bayan pati ng mga nayon niyaon.
65At kanilang ibinigay sa pamamagitan ng sapalaran sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon, at sa lipi ng mga anak ni Benjamin, ang mga bayang ito na binanggit sa pangalan.
Ang mga bayan ng mga Levita.
66 # Hanggang tal. 81; Jos. 21:34-39. At ang ilan sa mga angkan ng mga anak ni Coath ay may mga bayan sa kanilang mga hangganan na mula sa lipi ni Ephraim.
67At ibinigay nila sa kanila ang mga bayang ampunan: ang Sichem sa lupaing maburol ng Ephraim pati ng mga nayon niyaon; gayon din ang Gezer pati ng mga nayon niyaon.
68At ang Jocmeam pati ng mga nayon niyaon, at ang Bet-horon pati ng mga nayon niyaon;
69At ang Ajalon pati ng mga nayon niyaon; at ang Gath-rimmon pati ng mga nayon niyaon:
70At mula sa kalahating lipi ni Manases; ang Aner pati ng mga nayon niyaon, at ang Bilam pati ng mga nayon niyaon, sa ganang nangalabi sa angkan ng mga anak ng Coath.
71 # Hanggang tal. 76; Jos. 21:27-33. Sa mga anak ng Gerson ay nabigay, mula sa angkan ng kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ng mga nayon niyaon, at ang Astharoth pati ng mga nayon niyaon;
72At mula sa lipi ni Issachar, ang Cedes pati ng mga nayon niyaon, ang Dobrath pati ng mga nayon niyaon;
73At ang Ramoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Anem pati ng mga nayon niyaon:
74At mula sa lipi ni Aser; ang Masal pati ng mga nayon niyaon, at ang Abdon pati ng mga nayon niyaon;
75At ang Ucoc pati ng mga nayon niyaon, at ang Rehob pati ng mga nayon niyaon:
76At mula sa lipi ni Nephtali; ang Cedes sa Galilea pati ng mga nayon niyaon, at ang Ammon pati ng mga nayon niyaon, at ang Chiriat-haim pati ng mga nayon niyaon.
77Sa nangalabi sa mga Levita, na #Hanggang tal. 10; Jos. 21:20-26.mga anak ni Merari, ay nabigay mula sa lipi ni Zabulon, ang Rimmono pati ng mga nayon niyaon, ang Thabor pati ng mga nayon niyaon:
78At sa dako roon ng Jordan sa Jerico sa dakong silanganan ng Jordan nabigay sa kanila, mula sa lipi ni Ruben, ang Beser sa ilang pati ng mga nayon niyaon, at ang Jasa pati ng mga nayon niyaon,
79At ang Chedemoth pati ng mga nayon niyaon, at ang Mephaath pati ng mga nayon niyaon:
80At mula sa lipi ni Gad; ang Ramot sa Galaad pati ng mga nayon niyaon, at ang Mahanaim pati ng mga nayon niyaon,
81At ang Hesbon pati ng mga nayon niyaon, at ang Jacer pati ng mga nayon niyaon.
Currently Selected:
I MGA CRONICA 6: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982