EXODO 11
11
Ang katapusang salot ay ibinabala.
1At sinabi ng Panginoon kay Moises, #Ex. 4:23.May isang salot pa akong dadalhin kay Faraon at sa Egipto; pagkatapos niyaon ay pahihintulutan niyang kayo'y umalis dito: pagpapahintulot niya sa inyong yumaon, ay tunay na kayo'y #Ex. 12:31, 33, 39.samasamang palalayasin niya rito.
2Magsalita ka ngayon sa pakinig ng bayan, at humingi ang bawa't lalake sa kaniyang kapuwa, at bawa't babae sa kaniyang kapuwa, ng mga #Ex. 3:22; 12:35.hiyas na pilak, at ng mga hiyas na ginto.
3 #
Ex. 3:21; 12:36. At pinagbiyayaan ng Panginoon ang bayan, sa paningin ng mga Egipcio. Saka si Moises ay lalaking naging dakila sa lupain ng Egipto, sa paningin ng mga lingkod ni Faraon, at sa paningin ng bayan.
4At sinabi ni Moises, Ganito ang sinasabi ng Panginoon, #Ex. 12:29; Job 34:20; Amos 4:10.Sa may hating gabi ay lalabas ako sa gitna ng Egipto:
5At lahat ng mga #Mat. 24:41.panganay sa lupain ng Egipto ay mamamatay, mula sa panganay ni Faraon, na nakaluklok sa kaniyang luklukan, hanggang sa panganay ng aliping babaing nasa #Ex. 12:30; Amos 5:17.likuran ng gilingan; at ang lahat ng mga panganay sa mga hayop.
6 #
Ex. 8:22. At magkakaroon ng malakas na hiyawan sa buong lupain ng Egipto, na hindi nagkaroon ng kaparis, at hindi na magkakaroon pa ng kaparis.
7 #
Jos. 10:21. Datapuwa't sa lahat ng anak ng Israel #Ex. 12:33.mula sa tao hanggang sa hayop, ay walang maggagalaw kahit isang aso ng kaniyang dila laban sa tao o sa hayop: upang inyong makilala kung paano ang pagkakalagay ng pagkakaiba ng Panginoon sa mga Egipcio at sa Israel.
8 #
Ex. 3:19; 7:3, 4; 10:1. At bababain ako nitong lahat na iyong lingkod, at magsisiyukod sa akin, na magsasabi, Umalis ka, at ang buong bayan na sumusunod sa iyo: at pagkatapos niyaon ay aalis ako. At siya'y umalis sa harap ni Faraon na may maalab na galit.
9At sinabi ng Panginoon kay Moises, Hindi kayo didinggin ni #Ex. 3:19; 7:3, 4; 10:1.Faraon: upang ang aking mga kababalaghan ay dumami sa lupain ng Egipto.
10At ginawa ni Moises at ni Aaron ang lahat ng mga kababalaghang ito sa harap ni Faraon: at pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon, at hindi niya pinahintulutan ang mga anak ni Israel ay umalis sa kaniyang lupain.
Currently Selected:
EXODO 11: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982