GENESIS 50
50
1At yumakap si Jose sa mukha ng kaniyang ama, #tal. 26; 2 Cron. 16:14; Luc. 24:1; Juan 19:39-40.at umiyak sa ibabaw niya, at hinalikan niya siya.
2At iniutos ni Jose sa kaniyang mga #Blg. 20:29; Deut. 34:8.lingkod na manggagamot, na embalsamahin ang kaniyang ama: at inembalsama ng mga manggagamot si Israel.
3At apat na pung araw ang ginanap sa kaniya; sapagka't gayon ginaganap ang mga araw ng pagembalsama; #2 Cron. 16:14; Is. 22:16; Mat. 27:60.at tinangisan siya ng mga Egipcio ng pitong pung araw.
4At nang makaraan ang mga araw ng pagiyak sa kaniya ay nagsalita si Jose sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa inyong mga mata ay salitain ninyo, isinasamo ko sa inyo, sa mga pakinig ni Faraon, na inyong sabihin,
5Pinanumpa ako ng ama ko, na sinasabi, Narito, ako'y namamatay: #Gen. 49:29-30; Gawa 7:16.sa libingan na aking hinukay sa akin sa lupain ng Canaan, ay doon mo ako ililibing. Ngayon nga'y pahintulutan ninyo akong umahon, isinasamo ko sa inyo, at aking ilibing ang aking ama, at babalik uli ako.
6At sinabi ni Faraon, Umahon ka, at ilibing mo ang iyong ama, ayon sa kaniyang ipinasumpa sa iyo.
7At umahon si Jose upang ilibing ang kaniyang ama: at kasama niyang umahon ang lahat ng lingkod ni Faraon, ang mga matanda sa kaniyang sangbahayan, at ang lahat na matanda sa lupain ng Egipto;
8At ang buong sangbahayan ni Jose, at ang kaniyang mga kapatid, at ang sangbahayan ng kaniyang ama: ang kanila lamang mga bata, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang bakahan, ang iniwan nila sa lupain ng Gosen.
9At umahong kasama niya ang mga karro at mga nangangabayo: at yao'y naging totoong malaking pulutong.
10At sila'y dumating sa giikan ni Atad, na nasa dako pa roon ng Jordan, at doo'y nanaghoy sila ng malakas at kapaitpait na panaghoy: at kaniyang pinanangisan ang kaniyang ama na pitong araw.
11At nang makita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang panaghoy sa giikan ni Atad, ay kanilang sinabi, Ito'y isang kahambalhambal na panaghoy ng mga Egipcio kaya't ang pangalang itinawag ay Abel-mizraim, nasa dako pa roon ng Jordan.
Si Jacob ay nalibing sa Machpela.
12At ginawa sa kaniya ng kaniyang mga anak ang ayon sa iniutos sa kanila.
13 #
Gen. 23:16. Sapagka't dinala siya ng kaniyang mga anak sa lupain ng Canaan, at inilibing siya sa yungib ng Machpela, #Gen. 49:25.na binili ni Abraham sangpu ng parang na pinakaaring libingan, kay Ephron na Hetheo, sa tapat ng Mamre.
14At bumalik si Jose sa Egipto, siya, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat na umahong kasama niya sa paglilibing sa kaniyang ama, pagkatapos na mailibing ang kaniyang ama.
Ang kabutihang loob ni Jose sa kaniyang mga kapatid.
15At nang makita ng mga kapatid ni Jose, na ang kanilang ama'y namatay, ay kanilang sinabi, Marahil si Jose ay mapopoot sa atin, at lubos na gagantihin sa atin ang buong kasamaan na ating ginawa sa kaniya.
16At ipinasabi nila kay Jose, Iniutos ng iyong ama bago namatay, na sinasabi,
17Ganito sasabihin ninyo kay Jose. Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo ngayon, ang pagsalangsang ng iyong mga kapatid, at ang kanilang kasalanan; at ngayon, ay aming isinasamo sa iyo, na ipatawad mo ang mga pagsalangsang ng mga lingkod #Gen. 30:2; 2 Hari 5:7.ng Dios ng iyong ama. At si Jose ay umiyak ng kanilang salitain sa kaniya.
18At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya; at kanilang sinabi, Narito, kaming iyong mga lingkod.
19At sinabi ni Jose sa kanila, Huwag kayong matakot, #Gen. 45:5, 7.sapagka't nasa kalagayan ba ako ng Dios?
20At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; #Gen. 47:12.nguni't ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito, na iligtas ang buhay ng maraming tao.
21Kaya nga huwag kayong matakot: #Blg. 32:39; 1 Cron. 7:14.aking pakakanin kayo at ang inyong mga bata. At kaniyang inaliw sila at kaniyang pinagsalitaan sila na may kagandahang loob.
Ang kaniyang kamatayan.
22At si Jose ay tumahan sa Egipto, siya at ang sangbahayan ng kaniyang ama: at si Jose ay nabuhay na isang daan at sangpung taon.
23At nakita ni Jose ang mga anak ni Ephraim hanggang sa ikatlong salin ng lahi; ang #Gen. 15:14; 46:4; 48:21; Ex. 3:16-17; Gawa 11:21.mga anak man ni Machir na anak ni Manases ay ipinanganak sa mga tuhod ni Jose.
24At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: #Gen. 15:18.nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain #Ex. 13:19; Jos. 24:32.na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.
25 # tal. 2. At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito.
26Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto.
Currently Selected:
GENESIS 50: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982