YouVersion Logo
Search Icon

ISAIAS 14

14
Ang awit ng pananagumpay.
1Sapagka't ang Panginoon ay #Awit 102:3. maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin #Zac. 1:17. pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: #Is. 60:4, 5, 10. at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob.
2At kukunin sila ng mga tao, #Is. 49:22; 60:9. at dadalhin sila sa kanilang dako: at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon, na mga pinakaaliping lalake at babae: at kanilang bibihagin sila, na nagsibihag sa kanila; #Is. 60:14. at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila.
3At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo,
4Na #Mik. 2:4; Hab. 2:6. iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! #Apoc. 18:6. ang bayang ginto ay naglikat!
5Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, #Is. 9:4. ang cetro ng mga pinuno;
6Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman.
7Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang #Is. 44:23. nagsisiawit.
8Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.
9Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.
10Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?
11Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.
12 # Apoc. 8:10. Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
13At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y #Mat. 11:23. sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas #Dan. 8:10. ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa #Is. 2:2. bundok ng kapisanan, #Awit 48:2. sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
14Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.
15Gayon ma'y #Oba. 4; Mat. 11:23. mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.
16Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian;
17Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?
18Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.
19Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.
20 # Ec. 6:3. Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, iyong pinatay ang iyong bayan; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan #Awit 21:10. ay hindi lalagi magpakailan man.
21Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa #Ex. 20:5. kasamaan ng kanilang mga magulang; upang sila'y #Awit 140:10. huwag magsibangon, at ariin ang lupain, at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan.
22At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia #Jer. 51:62. ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon.
23Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig: at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
24Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo:
25 # Is. 37:36. Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang #Is. 10:27. kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.
26Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.
27Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?
Ang hula sa Filistia.
28Nagkaroon ng hulang #Is. 13:1. ito nang taong mamatay ang #2 Hari 16:20. haring Achaz.
29Ikaw ay huwag magalak, ikaw na buong #tal. 31. Filistia, sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo: sapagka't sa ahas ay lalabas ang ulupong, at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad.
30At ang panganay ng dukha ay kakain, at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay: at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan, at ang nalabi sa iyo ay papatayin.
31Ikaw ay umungal, Oh pintuang bayan; ikaw ay humiyaw, Oh bayan; ikaw ay napugnaw, Oh ikaw na buong Filistia; sapagka't lumalabas ang usok na mula sa hilagaan, at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon.
32Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa? Na itinayo ng #Awit 87:1, 5. Panginoon ang Sion, at doon nanganganlong #Is. 10:2; Zac. 11:7, 11. ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan.

Currently Selected:

ISAIAS 14: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Video for ISAIAS 14