ISAIAS 4
4
Hangal na babae (karugtong).
1At pitong babae ay #Is. 2:11. magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon, na mangagsasabi, Kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay, at mangagsusuot ng aming sariling kasuutan: tawagin lamang kami sa iyong pangalan; alisin mo ang aming kadustaan.
Ang mga natira ay maliligtas.
2Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati #Jer. 23:5; Zac. 3:8; 6:12. ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
3At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, #Oba. 17. tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't #Luc. 10:20. nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:
4 #
Mat. 3:2, 3. Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas.
5At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang #Ex. 18:21. ulap at usok sa araw, at ng #Zac. 2:5. liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.
6At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at #Is. 25:4. upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.
Currently Selected:
ISAIAS 4: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982