ISAIAS 65
65
Ang parusa na ibinabala sa mga masuwayin.
1Ako'y #Rom. 10:20. napagsasangunian ng mga hindi nagsipagtanong tungkol sa akin; ako'y nasusumpungan nila na hindi nagsihanap sa akin: aking sinabi, Narito ako, narito ako, sa #Is. 63:19. bansa na hindi tinawag sa aking pangalan.
2 #
Rom. 16:21. Aking iniunat ang aking mga kamay buong araw sa mapanghimagsik na bayan, na lumalakad sa daang hindi mabuti, ayon sa kanilang sariling mga pagiisip;
3Bayan #Job 1:11. na minumungkahi akong palagi ng mukhaan, #Is. 1:29; 66:17. na naghahain sa mga halamanan, at nagsusunog ng kamangyan #Ex. 20:24, 25. sa ibabaw ng mga laryo;
4Na nauupo #Deut. 18:11. sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; #Is. 66:17. na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan;
5Na nagsasabi, #Mat. 9:11; Luc. 18:11. Humiwalay ka, huwag kang lumapit sa akin, sapagka't ako'y lalong banal kay sa iyo. Ang mga ito ay usok sa aking ilong, apoy na nagliliyab buong araw.
6Narito, #Mat. 3:16. nasulat sa harap ko: hindi ako tatahimik, #Jer. 16:18. kundi ako'y gaganti, oo, ako'y gaganti #Awit 79:12. sa kanilang sinapupunan,
7Ang inyong sariling mga kasamaan, at #Ex. 20:5; Mat. 23:35. ang mga kasamaan ng inyong mga magulang na magkakasama, sabi ng Panginoon, #Ezek. 18:1, 11; 22:9. na mangagsunog ng kamangyan sa mga bundok, at nagsitungayaw sa akin #Ezek. 20:27, 28. sa mga burol: ay susukatan ko nga ng kanilang unang gawa sa kaniyang sinapupunan.
8Ganito ang sabi ng Panginoon, Kung paanong nasusumpungan ang bagong alak sa kumpol, at may nagsasabi, Huwag mong sirain, #Joel 2:14. sapagka't iyan ay mapapakinabangan: gayon ang gagawin ko sa ikagagaling ng aking mga lingkod, upang huwag kong malipol silang lahat.
9At ako'y maglalabas ng lahi na mula sa Jacob, at mula sa Juda ng isang tagapagmana ng aking mga bundok; at mamanahin ng aking #Mat. 24:22; Rom. 11:5, 7. pinili, at tatahanan ng aking mga lingkod.
10At ang Saron ay #Is. 33:9; 35:2. magiging kulungan ng mga kawan, at #Jos. 7:26. ang libis ng Achor ay dakong higaan ng mga bakahan, dahil sa aking bayan na humanap sa akin.
11Nguni't kayo, na nangagpapabaya sa Panginoon, na nagsisilimot ng #Is. 57:13. aking banal na bundok, na nangaghahanda ng dulang #Ezek. 23:41; 1 Cor. 10:21. para sa Kapalaran, at pinupuno #Jer. 7:18. ang saro ng alak na haluan para sa Kaukulan;
12Aking iuukol kayo sa tabak, at kayong lahat ay magsisiyuko sa patayan; #Is. 66:4. sapagka't nang ako'y tumawag, kayo'y hindi nagsisagot; nang ako'y magsalita, kayo'y hindi nangakinig; kundi inyong ginawa ang masama sa harap ng aking mga mata, at inyong pinili ang di ko kinaluluguran.
13Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking mga lingkod ay magsisikain, nguni't kayo'y mangagugutom; narito, ang aking mga lingkod ay magsisiinom, nguni't kayo'y mangauuhaw; narito, mangagagalak ang aking mga lingkod, nguni't kayo'y mangapapahiya;
14Narito, ang aking mga lingkod ay magsisiawit dahil sa kagalakan ng puso, nguni't kayo'y magsisidaing dahil sa kapanglawan ng puso, at aangal #Mat. 8:12. dahil sa pagkabagbag ng loob.
15At inyong iiwan ang inyong pangalan na #Deut. 28:37; Jer. 29:22; Zac. 8:13. pinakasumpa sa aking mga pinili, at papatayin ka ng Panginoong Dios; at kaniyang tatawagin ang kaniyang mga lingkod ng ibang pangalan:
16Na anopa't siyang nagpapala sa lupa ay magpapala sa Dios ng katotohanan; at siyang sumusumpa sa lupa ay susumpa sa pangalan ng Dios ng katotohanan; sapagka't ang mga dating kabagabagan ay nalimutan, at sapagka't nangakubli sa aking mga mata.
Ang bagong langit at ang bagong lupa.
17Sapagka't narito, ako'y #Is. 66:2; 2 Ped. 3:13; Apoc. 21:1. lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.
18Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking #Jer. 31:7. nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.
19 #
Is. 62:5. At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at #Is. 35:10. ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
20Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't #Jer. 31:17. ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, #Ec. 8:12. at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
21At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.
22Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't #Awit 92:12, 13. kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
23Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, #Deut. 28:41. o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't #Is. 61:9. sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
24At mangyayari, #Awit 32:5. na bago sila magsitawag, sasagot ako; #Dan. 9:21. at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.
25Ang lobo at ang kordero #Is. 11:6. ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at #Gen. 3:14. alabok ang magiging pagkain ng ahas. #Is. 11:9. Sila'y hindi #tal. 11. mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
Currently Selected:
ISAIAS 65: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982