JEREMIAS 30
30
Pagliligtas mula sa pagkabihag ay ipinangako.
1Ang salita na dumating kay Jeremias na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, #Jer. 36:2. Iyong isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.
3Sapagka't, narito, ang mga araw ay #Jer. 9:25. dumarating, sabi ng Panginoon na #Ezra 2:1; Jer. 29:14; 31:28; 32:44. aking ibabalik na mula sa pagkabihag ang aking bayang #Jer. 13:6; Os. 1:11. Israel at Juda, sabi ng Panginoon, #Jer. 16:15. at aking pababalikin sila sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang, at kanilang aariin.
4At ang mga ito ang mga salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Israel at tungkol sa Juda.
5Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon; Kami ay nangakarinig ng tinig ng panginginig, ng takot, at hindi ng kapayapaan.
6Kayo'y magtanong ngayon, at inyong tingnan kung ang lalake ay nagdaramdam ng panganganak: bakit aking nakikita ang lahat na lalake na ang mga kamay ay nangasa kaniyang mga balakang na parang babae sa pagdaramdam, at #Joel 2:6. ang lahat na mukha ay naging maputla?
7 #
Joel 2:11. Ay! sapagka't ang araw na yaon ay dakila, na anopa't walang gaya niyaon: siya ngang panahon ng kabagabagan ng Jacob; nguni't siya'y maliligtas doon.
8At mangyayari #Is. 2:11. sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo na aking aalisin ang kaniyang pamatok sa iyo, at #Jer. 2:20; Nah. 1:13. aking papatirin ang iyong mga tali at hindi na siya maglilingkod pa sa mga #Jer. 25:14. taga ibang lupa:
9Kundi kanilang paglilingkuran ang Panginoong #Awit 83:3; Is. 55:3, 4; Ezek. 34:23. kanilang Dios, at si David na kanilang hari, na aking ibabangon sa kanila.
10Kaya't huwag kang masindak, Oh #Is. 41:8. Jacob na aking lingkod, sabi ng Panginoon; huwag ka mang manglupaypay, Oh Israel: sapagka't narito, ililigtas kita mula sa malayo, at ang iyong binhi mula sa lupain ng kanilang pagkabihag; at ang Jacob ay babalik, at magiging tahimik at tiwasay, at walang tatakot sa kaniya.
11Sapagka't ako'y sumasaiyo sabi ng Panginoon upang iligtas kita: sapagka't #Amos 9:8. gagawa ako ng lubos na kawakasan sa lahat na bansa na aking pinapangalatan sa iyo, nguni't hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan #Jer. 4:27. sa iyo; kundi sasawayin kita #Jer. 10:24. ng kahatulan, at walang pagsalang hindi kita iiwan na walang parusa.
12Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang iyong sakit ay #tal. 15; Jer. 15:18. walang kagamutan, at ang iyong sugat ay mabigat.
13Walang makipaglaban ng iyong usapin upang ikaw ay mapagaling: ikaw ay walang mga panggamot na nakagagaling.
14 #
Jer. 4:30; Panag. 1:2, 19. Nilimot ka ng lahat na mangingibig sa iyo; hindi ka nila hinahanap: sapagka't sinugatan kita ng sugat #Panag. 2:4. ng kaaway, ng parusa ng mabagsik; dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami.
15Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.
16Kaya't silang lahat na nagsisilamon sa iyo ay #tal. 11; Ex. 23:22; Ezek. 33:1; 41:11. mangalalamon; at lahat ng iyong kaaway, bawa't isa sa kanila'y magsisipasok sa pagkabihag; at silang nagsisisamsam sa iyo ay magiging samsam, at lahat ng nagsisihuli sa iyo ay aking ibibigay na huli.
17Sapagka't #Jer. 33:6. pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon; kanilang tinawag ka na #Mik. 4:6. tapon, na sinasabi, Ito ang Sion, na hindi hinahanap ng sinoman.
18Ganito ang sabi ng Panginoon: Narito, #tal. 3; Amos 9:11. aking ibabalik uli mula sa pagkabihag ang mga tolda ng Jacob, at pakukundanganan ko ang #Awit 102:13. kaniyang mga tahanang dako; at ang bayan ay matatayo sa kaniyang sariling bunton, at ang bahay-hari ay tatahanan ng ayon sa ayos niyaon.
19At mula sa kanila #Is. 35:10; 51:11. magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: #Ezek. 36:10, 37; Zac. 10:8. at aking pararamihin sila, at sila'y hindi magiging kaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila'y hindi magiging maliit.
20Ang kanilang mga anak naman ay magiging #Is. 1:26; Jer. 33:7, 11. gaya nang una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.
21At ang kanilang prinsipe ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang #Gen. 49:10; Deut. 18:18. puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
22At kayo'y #Lev. 26:12; Jer. 24:7. magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
23Narito, ang unos ng Panginoon, ang kaniyang kapusukan, ay bumulalas na parang buhawi: hahampas sa ulo ng masama.
24Ang mabangis na galit ng Panginoon ay #Jer. 12:13. hindi mapaparam hanggang sa maisagawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso; #Ezek. 38:16; Os. 3:5. sa mga huling araw ay iyong mauunawa.
Currently Selected:
JEREMIAS 30: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982