YouVersion Logo
Search Icon

MGA BILANG 17

17
Ang tungkod ni Aaron ay namulaklak.
1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2Salitain mo sa mga anak ni Israel, at kumuha ka sa kanila ng mga tungkod, isa sa bawa't sangbahayan ng mga magulang; sa lahat nilang mga prinsipe ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: isulat mo ang pangalan ng bawa't isa sa kaniyang tungkod.
3At isusulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi: sapagka't isa lamang tungkod magkakaroon sa bawa't pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
4At iyong ilalagay sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ng patotoo, #Ex. 25:22.na aking pinakikipagkitaan sa inyo.
5At mangyayari na ang lalaking #Blg. 16:5.aking pipiliin, ay mamumulaklak ang kaniyang tungkod: at aking ipatitigil sa akin, ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel, na kanilang #Blg. 16:11.iniupasala laban sa inyo.
6At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel, at ang lahat nilang mga prinsipe ay nagbigay sa kaniya ng tungkod, na bawa't pangulo ay isa, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: at ang tungkod ni Aaron ay nasa gitna ng kanilang mga tungkod.
7At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ng Panginoon #Ex. 38:21; Blg. 18:2; 2 Cron. 24:6; Gawa 7:44.sa tabernakulo ng patotoo;
8At nangyari nang kinabukasan, na si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng patotoo; at, narito, na ang tungkod ni Aaron sa sangbahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras.
9At mula sa harap ng Panginoon ay inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa lahat ng mga anak ni Israel: at kanilang pinagmalas, at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang tungkod.
10At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ibalik mo #Heb. 9:4.ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo, #Blg. 3:7; 18:3.upang ingatang #Blg. 16:38.pinakatanda laban sa mga anak ng panghihimagsik; upang iyong wakasan ang kanilang mga pag-upasala laban sa akin, upang huwag silang mamatay.
11Gayon ginawa ni Moises: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayon niya ginawa.
12At sinalita ng mga anak ni Israel kay Moises, na sinasabi, Narito, kami ay mga patay, kami ay napahamak, kaming lahat ay napahamak.
13 # Blg. 1:41; 3:10, 38; 18:4, 7, 22. Lahat ng lumalapit, na lumalapit sa tabernakulo ng Panginoon, ay namamatay: kami bang lahat ay malilipol?

Currently Selected:

MGA BILANG 17: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in