MGA KAWIKAAN 12
12
Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.
1Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman:
Nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.
2 #
Kaw. 8:35. Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon:
Nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha.
3Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan:
#
Kaw. 10:25. Nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos.
4 #
Kaw. 31:23; 1 Cor. 11:7. Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa:
Nguni't siyang nakahihiya ay parang #Kaw. 14:30. kabulukan sa kaniyang mga buto.
5Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap:
Nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya.
6 #
Kaw. 1:11. Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo:
Nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid.
7Ang masama ay #Awit 37:36, 37; Kaw. 11:21; Mat. 7:24-27. inilulugmok at nawawala:
Nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.
8Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan:
Nguni't ang masama sa puso ay hahamakin.
9Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin,
Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay.
10 #
Deut. 25:4. Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop:
Nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.
11 #
Kaw. 28:19. Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:
Nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.
12Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao:
Nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga.
13Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao:
#
Kaw. 21:23; 2 Ped. 2:9. Nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan.
14 #
Kaw. 13:2; 18:20. Ang tao ay #Kaw. 1:31; 11:30; Is. 3:10. masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig;
At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.
15 #
Kaw. 3:7; 16:2. Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.
16 #
Kaw. 29:11. Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala:
Nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan.
17Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran,
Nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.
18 #
Awit 57:4; 59:7; 64:4; 120:4. May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak:
Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.
19Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man.
#
Awit 52:4, 5; Kaw. 19:9. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.
20Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan:
Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.
21 #
Awit 34:21; Rom. 8:28. Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid:
Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan.
22 #
Kaw. 6:16, 17; 11:20; Apoc. 22:15. Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.
23 #
Kaw. 13:16; 15:2. Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.
24 #
Kaw. 10:14. Ang kamay ng masipag ay magpupuno:
Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag.
25 #
Kaw. 15:13. Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot;
Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.
26Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa:
Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.
27Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan;
Nguni't ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag.
28Nasa daan ng katuwiran ang buhay;
At sa kaniyang landas ay walang kamatayan.
Currently Selected:
MGA KAWIKAAN 12: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982