YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 115

115
Ang ibang mga Dios ay ipinaris sa Panginoon.
1Huwag #Is. 48:11. sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,
Kundi sa iyong pangalan ay #Gawa 12:23. magbigay kang karangalan,
Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
2Bakit sasabihin ng mga bansa,
# Awit 42:3, 10. Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
3Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:
Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
4 # Hanggang tal. 8; Awit 135:15-18. Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
# Deut. 4:28; Is. 44:10-20; Gawa 19:26. Yari ng mga kamay ng mga tao.
5Sila'y may mga bibig, #Is. 46:7; Jer. 10:5; Hab. 2:18. nguni't sila'y hindi nangagsasalita;
Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
6Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
7Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
8 # Is. 44:11; Jon. 2:9; Heb. 2:19. Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
9 # Awit 118:2, 3, 4. Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at #Awit 84:9. kanilang kalasag.
10Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
12Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:
Kaniyang pagpapalain ang #Awit 135:19. sangbahayan ni Israel,
Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
13Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,
Ang mababa at gayon ang mataas.
14 # Deut. 1:11. Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,
Kayo at ang inyong mga anak.
15Pinagpala kayo ng Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
16 # Awit 148:4. Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
17Ang patay ay #Awit 6:5. hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 # Awit 113:2. Nguni't aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Currently Selected:

MGA AWIT 115: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 115