YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 122

122
Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
1Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon #Is. 2:3; Zac. 8:21. sa bahay ng Panginoon.
2Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3Jerusalem, na natayo
Na parang bayang #2 Sam. 5:9. siksikan:
4 # Ex. 23:17; Deut. 16:16. Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
# Ex. 16:34. Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 # Deut. 17:8; 2 Cron. 19:8. Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 # Awit 51:18. Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
# 1 Sam. 26:6. Kapayapaan ang sumaiyong loob.
9Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
# Neh. 2:10. Hahanapin ko ang iyong buti.

Currently Selected:

MGA AWIT 122: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 122