MGA AWIT 14
14
Ang kamangmangan at kasamaan ng tao. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1 # Hanggang tal. 7; Awit 53:1-6. Ang #1 Sam. 25:25; Awit 10:4. mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, Walang Dios:
#
Gen. 6:5, 11, 12. Sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa;
Walang gumagawa ng mabuti,
2Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
#
Rom. 3:10-12. Upang tingnan, kung may sinomang nakakaunawa,
Na hinahanap ng Dios.
3Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4 #
Awit 82:5. Wala bang kaalaman ang lahat na manggagawa ng kasamaan?
#
Amos 8:4; Mik. 3:3. Na siyang nagsisikain sa aking bayan na tila nagsisikain ng tinapay,
#
Is. 64:7. At hindi nagsisitawag sa Panginoon.
5Doo'y nangapasa malaking katakutan sila:
Sapagka't ang Dios ay nasa lahi ng matuwid.
6Inyong inilalagay sa kahihiyan ang payo ng dukha,
Sapagka't ang Panginoon ang kaniyang #Awit 142:5. kanlungan.
7Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay nanggagaling #Rom. 11:26. sa Sion!
Kung #Awit 126:1. ibabalik ng Panginoon ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob, at masasayahan ang Israel.
Currently Selected:
MGA AWIT 14: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982