MGA AWIT 141
141
Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David
1Panginoon, ako'y tumawag sa iyo: #Awit 70:5. magmadali ka sa akin:
Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako'y tumatawag sa iyo.
2 #
Luc. 8:10; Apoc. 5:8; 8:3, 4. Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;
#
Awit 134:2; 1 Tim. 2:8. Ang pagtataas ng aking mga kamay na #Ex. 29:41. parang hain sa kinahapunan.
3 #
Awit 39:1. Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
4Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,
Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan
Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:
At #Kaw. 23:6. huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
5 #
Kaw. 9:8; 19:25; 25:12; Gen. 6:1. Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;
At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;
Huwag tanggihan ng aking ulo:
Sapagka't sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
6Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;
At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka't matatamis.
7Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,
Gayon ang aming mga buto #Awit 53:5. ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
8Sapagka't ang mga mata ko'y #2 Cron. 20:12; Awit 25:15; 123:1, 2. nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9Iligtas mo ako #Awit 119:110; 140:5. sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 #
Awit 7:15; 35:8. Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako'y nakatatanan.
Currently Selected:
MGA AWIT 141: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982