YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 144

144
Panalangin sa pagsagip. Masayang bayan ay inilahad. Awit ni David.
1Purihin ang Panginoon na #2 Sam. 22:35; Awit 18:34. aking malaking bato,
Na tinuturuan ang mga kamay ko na makipagdigma,
At ang mga daliri ko na magsilaban:
2Aking kagandahang-loob, at #Awit 91:2. aking katibayan,
Aking matayog na moog, at aking tagapagligtas;
Aking kalasag, at siya na doon ako nanganganlong;
# 2 Sam. 22:48; Awit 18:47. Na siyang nagpapasuko ng aking bayan sa akin.
3 # Job 7:17; Awit 8:4; Heb. 2:6. Panginoon, ano ang tao, upang iyong kilalanin siya?
O ang anak ng tao, upang iyong pahalagahan siya?
4 # Job 14:2; Ec. 6:12. Ang tao ay parang walang kabuluhan:
Ang kaniyang mga kaarawan ay parang lilim na napaparam.
5Ikiling mo ang iyong mga langit, #Awit 18:9; Is. 64:1. Oh Panginoon, at bumaba ka:
# Awit 104:32. Hipuin mo ang mga bundok, at magsisiusok.
6 # Awit 18:13, 43. Maghagis ka ng kidlat, at pangalatin mo sila;
Suguin mo ang iyong mga pana, at lituhin mo sila,
7 # Awit 78:16. Iunat mo ang iyong kamay mula sa itaas;
# Awit 69:14. Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa malaking tubig,
Sa kamay ng #Awit 18:44, 45. mga taga ibang lupa;
8Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
9Ako'y aawit ng bagong awit sa iyo, #Awit 33:2, 3. Oh Dios:
Sa salterio na may sangpung kawad ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
10Siya ang nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari:
Na siyang nagligtas kay David na kaniyang lingkod sa manunugat na tabak.
11Sagipin mo ako, at iligtas mo ako sa kamay ng mga taga ibang lupa.
Na ang bibig ay nagsasalita ng karayaan,
At ang kanilang kanang kamay ay kanang kamay ng kabulaanan.
12Pagka ang aming mga anak na lalake ay magiging #Awit 128:3. parang mga pananim na lumaki sa kanilang kabataan;
At ang aming mga anak na babae ay parang mga panulok na bato na inanyuan ayon sa anyo ng isang palasio.
13 Pagka ang mga kamalig namin ay puno, na may sarisaring bagay;
At ang mga tupa namin ay nanganganak ng mga libo at mga sangpung libo sa aming mga parang;
14 Pagka ang mga baka namin ay napapasanang mabuti;
Pagka walang salot, at sakuna,
At walang panaghoy sa aming mga lansangan;
15 # Deut. 33:29. Maginhawa ang bayan, na nasa gayong kalagayan:
# Awit 33:12. Maginhawa ang bayan na ang Dios ay ang Panginoon.

Currently Selected:

MGA AWIT 144: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in