YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 19

19
Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1Ang #Awit 50:6. kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
# Gen. 1:6. At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
2Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
3Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
4 # Rom. 10:18. Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
5Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
# Huk. 5:31; Ec. 1:5. At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
6Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
7Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang #Awit 111:7. patotoo ng Panginoon ay tunay, #Kaw. 1:4. na nagpapapantas sa hangal.
8Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
# Awit 12:6. Ang utos ng Panginoon ay dalisay, #Awit 13:3. na nagpapaliwanag ng mga mata.
9Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:
Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.
10 # Awit 119:72. Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:
# Awit 119:103. Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.
11Higit dito'y sa pamamagitan ng mga iyo'y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:
# Kaw. 29:18. Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.
12Sinong makasisiyasat #Awit 40:12. ng kaniyang mga kamalian?
# Lev. 4:2. Paliwanagan mo ako #Awit 90:8. sa mga kubling kamalian.
13 # Gen. 20:6. Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:
# Awit 119:133; Rom. 6:12, 14. Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo'y magiging matuwid ako,
At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.
14 # Awit 51:15. Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,
Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking #Is. 43:4; 44:6; 1 Tes. 1:10. manunubos.

Currently Selected:

MGA AWIT 19: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in