YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 21

21
Pagpapasalamat sa pagliligtas. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon;
At #Awit 20:5, 6. sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya!
2Ibinigay mo sa kaniya #Awit 29:4, 5. ang nais ng kaniyang puso,
At hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
3 # Awit 59:10. Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan:
Iyong pinuputungan ng isang #2 Sam. 12:30. putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo.
4Siya'y humingi ng #Awit 61:5, 6. buhay sa iyo, iyong binigyan siya;
# 2 Sam. 7:19; Awit 91:16. Pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man.
5Ang kaniyang kaluwalhatian ay #Awit 8:5; 104:1. dakila sa iyong pagliligtas:
Karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
6Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man:
# Awit 16:11; Gawa 2:28. Iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
7Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon,
At sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay #Awit 16:8. hindi siya makikilos.
8Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway:
Masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo.
9 # Mal. 4:1. Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit.
Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot,
At susupukin sila ng #Awit 18:8; Is. 26:11. apoy.
10 # Job 18:16, 17, 19. Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa,
At ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao.
11Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo:
Sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa.
12Sapagka't iyong patatalikurin sila,
# Awit 7:12. Ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.
13Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan:
Sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.

Currently Selected:

MGA AWIT 21: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 21