MGA AWIT 35
35
Panalangin sa pagliligtas sa kaaway. Awit ni David.
1 #
1 Sam. 24:16. Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin:
Lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.
2 #
Awit 5:12. Humawak ka ng kalasag at ng longki,
At tumayo ka na pinaka tulong sa akin.
3Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin:
Sabihin mo sa aking kaluluwa,
Ako'y iyong kaligtasan.
4 # Hanggang tal. 8; Awit 69:23-28; 109:6-15. Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa:
Mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
5 #
Awit 1:4. Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin,
At itaboy sila ng anghel ng Panginoon.
6Maging madilim nawa, at #Jer. 23:12. madulas ang kanilang daan,
At habulin sila ng anghel ng Panginoon.
7Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng #Awit 9:15. kanilang silo sa hukay,
Walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.
8 #
1 Tes. 5:3. Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak;
At hulihin nawa siya ng #Awit 7:15. kaniyang silo na kaniyang ikinubli:
Mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
9At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon:
#
Luc. 1:47. Magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.
10Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, #Ex. 15:11; Awit 71:19. sino ang gaya mo,
Na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya,
Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?
11Mga saksing masasama ay nagsisitayo;
Sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.
12 #
Awit 38:20; Jer. 18:20; Juan 10:32. Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti,
Sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.
13Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo:
#
Job 30:25; Awit 69:10, 11. Aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno;
At ang aking dalangin ay #Awit 79:12. nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
14Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid:
Ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
15Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipipisan:
Ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;
16Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan,
#
Job 16:9; Panag. 2:16. Kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.
17Panginoon, hanggang #Hab. 1:13. kailan titingin ka?
Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira,
#
Awit 22:20. Ang aking sinta mula sa mga leon.
18 #
Awit 22:25. Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan:
Aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
19Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway;
Ni #Awit 69:4. magkindat man ng mata #Kaw. 6:13; Awit 51:14; 71:24. ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
20Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan:
Kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
21Oo, #Awit 22:13. Kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin;
Kanilang sinasabi: #Awit 40:15. Aha, aha, nakita ng aming mata.
22Iyong #Awit 28:1. nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik,
Oh Panginoon, #Awit 22:11, 19; 38:21. huwag kang lumayo sa akin.
23 #
Awit 7:6. Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan,
Sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
24 #
Awit 26:1. Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran;
At huwag mo silang pagalakin sa akin.
25Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin:
Huwag silang magsabi: #Panag. 2:16. Aming sinakmal siya.
26 # tal. 4. Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak:
Manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.
27Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran:
Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon,
#
Awit 149:4. Na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.
28 #
Awit 51:14; 71:24. At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran,
At ng pagpuri sa iyo sa buong araw.
Currently Selected:
MGA AWIT 35: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982