MGA AWIT 37
37
Katatagan ng nagtitiwala sa Panginoon at di katatagan ng makasalanan.
1Huwag #Kaw. 24:1, 19. kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan,
#
Awit 73:3. Ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan.
2Sapagka't sila'y madaling puputuling #Awit 90:5, 6. gaya ng damo,
At matutuyong gaya ng sariwang damo.
3Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti;
Tumahan ka sa lupain, at gawin mong kumain sa
kaniyang pagkatapat.
4 #
Is. 58:14. Magpakaligaya ka naman sa Panginoon;
At bibigyan ka niya ng nasa ng iyong puso.
5Ihabilin mo ang iyong lakad #Kaw. 16:3; Mat. 6:25, etc. sa Panginoon;
Tumiwala ka rin naman sa kaniya, at kaniyang papangyayarihin.
6At kaniyang palalabasing gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,
At ang iyong kahatulan ay gaya ng katanghaliang tapat.
7 #
Awit 62:1. Ikaw ay magpahinga sa Panginoon, #Is. 30:15; Panag. 3:26. at maghintay kang may pagtitiis sa kaniya:
#
Ef. 4:26. Huwag kang mabalisa ng dahil sa kaniya na gumiginhawa sa kaniyang lakad,
Dahil sa lalake na nagpapangyari ng mga masamang katha.
8Maglikat ka ng pagkagalit, at bayaan mo ang poot:
Huwag kang mabalisa, iya'y maghahatid lamang sa paggawa ng kasamaan.
9 #
Job 27:13, 14. Sapagka't ang mga manggagawa ng kasamaan ay mangahihiwalay:
Nguni't yaong nagsipaghintay sa Panginoon, #Awit 25:13. ay mangagmamana sila ng lupain.
10 #
Job 24:24; Heb. 10:36, 37. Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na:
#
Job 7:10; Is. 57:13; 60:21. Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.
11 #
Mat. 5:5. Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain,
At masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
12Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13Tatawanan siya #Awit 2:4. ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang #Awit 157:7; Oba. 12. kaniyang kaarawan ay dumarating.
14Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin #Awit 7:10. ang matuwid sa paglakad:
15Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
#
1 Sam. 2:4. At ang kanilang busog ay mababali.
16 #
Kaw. 15:16. Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17Sapagka't #Job 38:15. ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
18 #
Awit 31:7. Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At #Job 5:20. sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok #Awit 102:3. mangapupugnaw sila.
21 #
Deut. 28:12, 44. Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli:
Nguni't #Awit 112:5, 9. ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
22 #
Kaw. 3:33. Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain;
At silang sinumpa niya ay mahihiwalay.
23Ang lakad ng tao ay itinatag #1 Sam. 2:9; Kaw. 16:9. ng Panginoon;
At siya'y nasasayahan sa kaniyang lakad.
24Bagaman siya'y mabuwal, #Kaw. 14:16; Mik. 7:8; 2 Cor. 4:9. hindi siya lubos na mapapahiga:
Sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay.
25Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda;
Gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan,
Ni ang kaniyang lahi man ay #Awit 109:10. nagpapalimos ng tinapay.
26 #
Mat. 5:42. Lahat ng araw ay nahahabag, at nagpapahiram;
At ang kaniyang lahi ay pinagpapala.
27 #
Awit 34:14; Is. 1:16, 17. Ikaw ay humiwalay sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti;
# tal. 3; 29. At manahan ka magpakailan man.
28Sapagka't iniibig ng Panginoon ang kahatulan,
At hindi pinababayaan ang kaniyang mga banal;
Sila'y iniingatan magpakailan man:
#
Awit 21:10. Nguni't ang lahi ng masama ay mahihiwalay.
29Mamanahin ng matuwid ang lupain,
At tatahan doon magpakailan man.
30 #
Awit 35:28; Mat. 12:28. Ang bibig ng matuwid ay nangungusap ng karunungan,
At ang kaniyang dila ay nagsasalita ng kahatulan.
31 #
Awit 119:11; Deut. 6:6; Is. 51:7. Ang kautusan ng kaniyang Dios ay nasa kaniyang puso,
Walang madudulas sa kaniyang mga hakbang.
32Inaabatan ng masama ang matuwid,
At pinagsisikapang patayin niya siya.
33Hindi siya iiwan ng Panginoon sa kaniyang kamay,
#
Awit 109:31. Ni parurusahan man siya pagka siya'y nahatulan.
34 #
Awit 27:14. Hintayin mo ang Panginoon, at ingatan mo ang kaniyang daan,
At ibubunyi ka upang manahin mo ang lupain:
#
Awit 52:5, 6. Pagka nahiwalay ang masama, iyong makikita.
35 #
Job 5:3; Awit 73:18-20. Aking nakita ang masama sa malaking kapangyarihan,
At lumalaganap na gaya ng sariwang punong kahoy sa kaniyang lupang tinubuan.
36Nguni't may dumaan at, narito, wala na siya:
Oo, hinanap ko siya, nguni't hindi siya masumpungan.
37Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid:
Sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may #Awit 119:165. kapayapaan.
38Tungkol sa mga mananalangsang, mangalilipol silang magkakasama:
#
Job 18:17. Ang huling wakas ng masama ay mahihiwalay.
39Nguni't ang kaligtasan ng matuwid ay sa Panginoon:
Siya'y ang kanilang kuta sa panahon ng kabagabagan.
40At sila'y tinutulungan ng Panginoon, at sinasagip sila:
#
Is. 31:5. Sinasagip niya sila sa masama, at inililigtas sila.
Sapagka't sila'y nagsipagkanlong sa kaniya.
Currently Selected:
MGA AWIT 37: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982