YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 39

39
Ang kawalang saysay ng buhay. Sa Pangulong Manunugtog, kay Jeduthun. Awit ni David.
1Aking sinabi, #1 Hari 2:4; 2 Hari 10:31. Ako'y magiingat sa aking mga lakad,
Upang huwag akong magkasala ng aking dila:
Aking iingatan ang aking dila ng paningkaw,
Samantalang ang masama ay nasa harap ko.
2 # Job 40:4, 5. Ako'y napipi ng pagtahimik, ako'y tumahimik pati sa mabuti;
At ang aking kalungkutan ay lumubha.
3Ang aking puso ay #Luc. 24:32. mainit sa loob ko;
Habang ako'y nagbubulaybulay ay nagalab ang apoy:
Nang magkagayo'y nagsalita ako ng aking dila:
4Panginoon, #Awit 90:12. ipakilala mo sa akin ang aking wakas,
At ang sukat ng aking mga kaarawan, kung ano;
Ipakilala mo sa akin kung gaano kahina ako.
5Narito, gaya ng mga dangkal ginawa mo ang aking mga kaarawan;
At ang #Awit 90:4. aking gulang ay tila wala sa harap mo:
Tunay na bawa't tao sa kaniyang mainam na kalagayan ay pawang #Awit 144:4. walang kabuluhan. (Selah)
6Tunay na bawa't tao ay lumalakad sa walang kabuluhang lilim:
# Job 27:17. Tunay na sila'y nagugulo ng walang kabuluhan:
# Awit 49:10. Kaniyang ibinubunton ang mga kayamanan, at hindi nalalaman kung sinong nagsisipulot.
7At ngayon, Panginoon, ano pa ang aking hinihintay?
# Awit 38:15. Ang aking pagasa ay nasa iyo.
8Iligtas mo ako sa lahat ng aking mga pagsalangsang:
# Awit 44:13. Huwag mo akong gawing katuyaan ng hangal.
9 # tal. 2. Ako'y pipi, hindi ko ibinuka ang aking bibig;
Sapagka't #2 Sam. 16:10; Job 2:10. ikaw ang gumawa.
10 # Job 13:21. Iurong mo sa akin ang iyong suntok:
Ako'y bugbog na sa suntok ng iyong kamay.
11Pagka sa pamamagitan ng mga parusa dahil sa kasamaan ay iyong sinasaway ang tao,
# Job 13:28; Is. 50:9. Iyong sinisira ang kaniyang kagandahan na parang pagsira ng tanga:
Tunay na bawa't tao ay walang kabuluhan. (Selah)
12Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing:
# Awit 28:4. Huwag kang tumahimik sa aking mga luha:
# Lev. 25:23; 1 Cron. 29:15; Heb. 11:13; 1 Ped. 2:11. Sapagka't ako'y taga ibang lupa na kasama mo;
Nakikipamayan na #Gen. 47:11. gaya ng lahat na aking mga magulang.
13 # Job 9:27; 10:20. Oh tulungan mo ako, upang ako'y magbawing lakas,
Bago ako manaw, at mawala.

Currently Selected:

MGA AWIT 39: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 39