MGA AWIT 53
53
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.
1 # Hanggang tal. 6; Awit 14:1-7. Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
#
Rom. 3:10, 12. Walang gumawa ng mabuti.
2Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
3Bawa't isa sa kanila ay #Awit 35:4. tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
4Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
#
Awit 27:13. Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
5Doo'y nangapasa malaking katakutan sila #Lev. 26:17. na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't #Ezek. 6:5. pinangalat ng Dios ang mga #Awit 141:7. buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
6Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
#
Awit 126:1, 2. Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.
Currently Selected:
MGA AWIT 53: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982