MGA AWIT 55
55
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.
1 #
Awit 54:2. Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
At huwag kang magkubli sa aking pananaing.
2Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:
#
Is. 38:14. Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
3Dahil sa tinig ng kaaway,
Dahil sa pagpighati ng masama;
#
2 Sam. 16:7, 8. Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin,
At sa galit ay inuusig nila ako.
4 #
Awit 116:3. Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:
At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
5 #
Awit 2:11. Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,
At tinakpan ako ng #Ezek. 7:18. kakilabutan.
6At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!
Lilipad nga ako, at magpapahinga.
7Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo,
Ako'y titigil sa ilang. (Selah)
8Ako'y magmamadaling sisilong
Mula sa malakas na hangin at bagyo.
9Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:
Sapagka't ako'y nakakita ng #Jer. 6:7. pangdadahas at pagaaway sa bayan.
10Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:
Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
11Kasamaan ay nasa gitna niyaon;
Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
12Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;
Akin nga sanang nabata:
#
Awit 41:9. Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;
Nagtago nga sana ako sa kaniya:
13Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,
#
2 Sam. 16:23; Awit 41:9; Jer. 9:4; Mik. 7:5. Aking kasama at aking kaibigang matalik.
14Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,
Tayo'y lumalakad na magkaakbay #Awit 42:4. sa bahay ng Dios.
15Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,
#
Blg. 16:30, 33; Awit 124:3. Mababa nawa silang buháy sa #Awit 16:10. Sheol:
Sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
16Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;
At ililigtas ako ng Panginoon.
17 #
Dan. 6:10; Luc. 18:1; Gawa 3:1; 10:3, 9, 30; 1 Tes. 5:17. Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik:
At kaniyang didinggin ang aking tinig.
18Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:
#
2 Hari 6:16. Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
19Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,
Siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang mga tao na walang mga pagbabago,
At hindi nangatatakot sa Dios.
20Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:
Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
21 #
Kaw. 5:3, 4. Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:
Nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma:
Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,
#
Awit 57:4. Gayon ma'y mga bunot na tabak.
22 #
Awit 37:5; Mat. 6:25; Luc. 12:22; 1 Ped. 5:7. Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
23Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:
Mga mabagsik at magdarayang tao ay #Job 15:32; Kaw. 10:27; Ec. 7:17. hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;
Nguni't titiwala ako sa iyo.
Currently Selected:
MGA AWIT 55: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982