YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 59

59
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. #1 Sam. 19:11. Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.
1Iligtas mo ako #Awit 18:48. sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
2Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
3Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay #Awit 56:6. nagpipisan laban sa akin:
# 1 Sam. 24:11. Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
4Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
# Awit 35:23. Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
5Sa makatuwid baga'y ikaw, #Awit 80:4. Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
6Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, #Awit 22:16. sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
7Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
# Awit 57:4. Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't #Awit 10:11. sino, sabi nila, ang nakikinig?
8Nguni't ikaw, Oh Panginoon, #Awit 2:4. tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
9Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
# Awit 62:2. Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 # Awit 21:3. Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios #Awit 54:7. sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 # Gen. 4:12, 15. Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 # Kaw. 12:13. Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 # Awit 7:9. Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At #Awit 83:18. ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 # Job 15:23. Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17Sa iyo, Oh #Awit 18:1. kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.

Currently Selected:

MGA AWIT 59: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 59