YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 72

72
Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.
1Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang #1 Cron. 22:12. iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
2 # Is. 11:3, 4; 32:1. Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
3 # Awit 144:4; Is. 32:17. Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
4Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
5Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili #Awit 89:36, 37. ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
6 # 2 Sam. 23:4. Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
7Sa kaniyang mga kaarawan ay #Awit 92:12. giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
8 # Ex. 23:31; Awit 2:8. Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
9Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod #Awit 74:14. sa kaniya;
At hihimuran ng #Is. 49:23. kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 # 1 Hari 5:10; 10:22. Ang mga hari ng Tharsis, at #Is. 42:10. sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa #1 Hari 10:1. Sheba at #Is. 43:3. Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
11Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
12Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong.
13Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan,
At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
14Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan;
# Awit 116:15. At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
15At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na #Job 5:25. parang damo sa lupa.
17Ang kaniyang pangalan ay #Awit 89:36. mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
# Gen. 22:18; Jer. 4:2. At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
# Luc. 1:48. Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
18 # Awit 106:48; Luc. 1:68. Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
19At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man;
# Blg. 14:21. At mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian.
# Awit 41:13. Siya nawa, at Siya nawa.
20Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.

Currently Selected:

MGA AWIT 72: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in