YouVersion Logo
Search Icon

MGA AWIT 74

74
Masquil ni Asaph.
1Oh Dios, bakit mo itinakuwil #Awit 79:1, 5. kami magpakailan man?
Bakit ang iyong galit ay #Awit 18:8. umuusok laban sa mga #Awit 79:13; Ezek. 34:31. tupa ng iyong pastulan?
2Alalahanin mo ang iyong kapisanan #Ex. 15:16. na iyong binili ng una,
Na iyong tinubos upang maging lipi ng #Is. 63:17. iyong mana;
At ang bundok ng Sion na iyong tinahanan.
3Itaas mo ang iyong mga paa #Awit 73:18; Is. 61:4. sa mga walang hanggang guho,
Ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
4 # Panag. 2:7. Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan;
# Mat. 24:15. Kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
5Sila'y tila mga tao na nangagtaas
Ng mga palakol sa mga kakahuyan.
6At ngayo'y lahat #1 Hari 6:29. ng gawang inanyuan doon.
Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok.
7 # 2 Hari 25:9. Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario;
Kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
8 # Awit 83:4. Kanilang sinabi sa kanilang puso,
Ating gibaing paminsan:
Kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain.
9Hindi namin nakikita ang aming mga tanda:
# Panag. 2:9; Ezek. 7:26. Wala nang propeta pa;
At wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan.
10Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway?
Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man?
11 # Panag. 2:3. Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan?
Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila.
12Gayon ma'y ang #Awit 44:4. Dios ay aking Hari ng una,
Na nagliligtas sa gitna ng lupa.
13 # Ex. 14:21. Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan:
# Is. 51:9. Iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga #Is. 27:1. buwaya sa mga tubig.
14Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng #Job 41:1. leviatan,
Ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.
15 # Ex. 17:6. Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog:
# Jos. 2:13, etc. Iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.
16Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin:
Iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
17Iyong #Deut. 32:8; Gawa 17:26. inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa:
Iyong ginawa ang taginit at taginaw.
18 # tal. 2, 22. Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon,
At nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.
19Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa #A. ng A. 2:14. ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop:
Huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man.
20 # Gen. 17:7, 8; Lev. 26:44, 45; Awit 106:45. Magkaroong pitagan ka sa tipan:
Sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan.
21 # Awit 9:9. Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi:
Pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan.
22Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap:
Alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw.
23Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway:
Ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.

Currently Selected:

MGA AWIT 74: ABTAG

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

Videos for MGA AWIT 74