MGA AWIT 81
81
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Gittith. Awit ni Asaph.
1Magsiawit kayo ng malakas sa Dios na ating kalakasan:
#
Awit 95:1. Mangagkaingay kayo na may kagalakan sa Dios ni Jacob,
2Magsiawit kayo at dalhin ninyo rito ang pandereta,
Ang masayang alpa sangpu ng salterio.
3Magsihihip kayo ng #Lev. 25:9. pakakak #Lev. 23:24. sa bagong buwan,
Sa kabilugan ng buwan, sa ating dakilang kapistahan.
4Sapagka't pinakapalatuntunan sa Israel,
Ayos ng Dios ni Jacob.
5Kaniyang inilagay na pinakapatotoo #Awit 77:15. sa Jose,
#
Ex. 11:4. Nang siya'y lumabas na maglakbay sa lupain ng Egipto:
#
Awit 114:1. Na aking kinaringgan ng wika na di ko nauunawa.
6 #
Ex. 1:11; Is. 9:4. Aking inihiwalay ang kaniyang balikat sa pasan:
Ang mga kamay niya'y napabitiw sa luwelang.
7Ikaw ay tumawag #Ex. 2:23. sa kabagabagan, at iniligtas kita;
#
Ex. 19:19. Sinagot kita sa lihim na dako ng kulog;
#
Ex. 17:6. Sinubok kita sa tubig ng Meriba. (Selah)
8Dinggin mo, Oh bayan ko, at ako'y sasaksi sa iyo:
Oh Israel, kung ikaw ay makikinig sa akin!
9 #
Awit 44:20. Hindi magkakaroon ng ibang dios sa iyo;
At hindi ka man sasamba sa anomang ibang dios.
10 #
Ex. 20:2. Ako ang Panginoon mong Dios,
Na naglabas sa iyo mula sa lupain ng Egipto:
#
Awit 37:3, 4; Mat. 7:7, 11. Bukhin mong maluwang ang iyong bibig, at aking pupunuin.
11Nguni't hindi nakinig sa aking tinig ang bayan ko;
At #Ex. 32:1; Deut. 32:15, 18. hindi ako sinunod ng Israel.
12 #
Job 8:4; Gawa 7:42; Rom. 1:24, 26. Sa gayo'y aking pinasunod sa pagmamatigas ng kanilang puso,
Upang sila'y makalakad sa kanilang sariling mga payo.
13 #
Deut. 5:29; Is. 48:18. Oh kung ako'y didinggin ng aking bayan,
Kung ang Israel ay lalakad sa aking mga daan!
14Aking pasusukuing madali ang kanilang mga kaaway,
At ibabalik ko ang aking kamay laban sa kanilang mga kaaway.
15 #
Awit 18:45. Ang mga mapagtanim sa Panginoon ay magsisisuko sa kaniya:
Nguni't ang kanilang panahon ay mananatili kailan man,
16Kaniya ring pakakanin sila ng katabaan ng trigo:
#
Deut. 32:13. At ng pulot na mula sa bato ay bubusugin kita.
Currently Selected:
MGA AWIT 81: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982