APOCALIPSIS 20
20
1At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, #Apoc. 9:1. na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay.
2At sinunggaban niya #Apoc. 12:3. ang dragon, #2 Ped. 2:4; Jud. 6; Apoc. 12:9. ang matandang ahas, na siyang Diablo at Satanas, at ginapos na isang libong taon,
3At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at #Dan. 6:17. tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon.
4At nakakita ako ng mga #Dan. 7:9, 22, 27; Mat. 19:28; Apoc. 2:26. luklukan, at may mga nagsisiluklok sa mga ito, #1 Cor. 6:2. sila'y pinagkalooban ng paghatol: at nakita ko #Apoc. 6:9. ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus, at dahil sa salita ng Dios, at #Apoc. 13:12. ang mga hindi sumamba sa hayop, o sa #Apoc. 13:15, 16. kaniyang larawan man, at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila'y nangabuhay, at #Dan. 7:18; 2 Tim. 2:12. nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.
5Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon. Ito #1 Tes. 4:16. ang unang pagkabuhay na maguli.
6Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan #Apoc. 2:11; 21:8. ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging #Apoc. 1:6. mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon.
7At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan #tal. 2. sa kaniyang bilangguan,
8At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa, #Ezek. 38:2. sa Gog at sa Magog, #Apoc. 16:14. upang tipunin sila sa pagbabaka: na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
9At #Is. 8:8; Ezek. 38:9, 16. nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at kinubkob ang kampamento ng mga banal, at #Awit 132:13. ang bayang iniibig: at bumaba ang #Apoc. 13:13. apoy mula sa langit, at sila'y nasupok.
10At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, #tal. 14, 15; Apoc. 19:20. na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man.
11At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, #Apoc. 21:1. ang lupa at ang langit ay tumakas; at #Dan. 2:35. walang nasumpungang kalalagyan nila.
12At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan #Dan. 7:10. ang mga aklat: #Dan. 12:1; Apoc. 3:5. at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, #Apoc. 2:23. ayon sa kanilang mga gawa.
13At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; #Apoc. 6:8. at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa.
14At #1 Cor. 15:23, 54; Apoc. 21:4. ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito #tal. 6. ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.
15At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.
Currently Selected:
APOCALIPSIS 20: ABTAG
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982