YouVersion Logo
Search Icon

ANG AWIT NG MGA AWIT 4

4
Papuri sa kasintahang babae sa handaan.
1Narito, ikaw ay #A. ng A. 1:5. maganda, sinta ko; narito, ikaw ay maganda;
Ang iyong mga mata ay gaya ng mga kalapati sa likod ng iyong #A. ng A. 6:5-7. lambong:
Ang iyong buhok ay gaya ng kawan ng mga kambing,
Na nagpapahinga sa gulod ng bundok ng #Mik. 7:14. Galaad.
2Ang iyong mga ngipin ay #A. ng A. 6:6. gaya ng mga kawan ng mga tupa na bagong gupit,
Na nagsiahong mula sa pagpaligo,
Na bawa't isa'y may anak na kambal,
At walang baog sa kanila.
3Ang iyong mga labi ay gaya ng pising mapula,
At ang iyong bibig ay kahalihalina:
# A. ng A. 6:7. Ang iyong mga pisngi ay gaya ng putol ng #A. ng A. 6:11. granada.
Sa likod ng iyong lambong.
4Ang iyong leeg ay #A. ng A. 7:4. gaya ng moog ni David
Na itinayo na pinaka sakbatan,
Na kinabibitinan ng #Ezek. 27:10, 11. libong kalasag,
Ng lahat na kalasag ng mga makapangyarihang lalake.
5 # A. ng A. 7:3. Ang iyong dalawang suso ay #A. ng A. 2:9. gaya ng dalawang batang usa
Na mga kambal ng isang inahin,
Na #A. ng A. 2:16. nagsisisabsab sa gitna ng mga lila.
6Hanggang sa ang araw ay #A. ng A. 2:17. lumamig at ang mga lilim ay tumakas,
Ako'y paroroon sa bundok ng #A. ng A. 3:6. mira,
At sa burol ng kamangyan.
Sagot ng kasintahang babae at lalake.
7Ikaw ay totoong maganda, sinta ko;
# Ef. 5:27. At walang kapintasan sa iyo.
8Sumama ka sa akin mula sa #Awit 72:16. Libano, kasintahan ko,
Na kasama ko mula sa Libano:
Tumanaw ka mula sa taluktok ng Amana,
Mula sa taluktok ng Senir at #Deut. 3:9. ng Hermon,
Mula sa mga yungib ng mga leon,
Mula sa mga bundok ng mga #Is. 11:6; Jer. 5:6. leopardo.
9Inagaw mo ang aking puso, kapatid ko, kasintahan ko,
Iyong inagaw ang aking puso ng isang sulyap ng iyong mga mata,
Ng isang kuwintas ng iyong leeg.
10Pagkaganda ng iyong pagsinta, #A. ng A. 5:1-2. kapatid ko, kasintahan ko!
# A. ng A. 1:2, 4. Pagkaigi ng iyong pagsinta kay sa alak!
At ang amoy ng iyong mga langis kay sa lahat na sarisaring pabango!
11Ang iyong mga labi, Oh kasintahan ko, na nagsisitulo #Kaw. 5:3. na gaya ng pulot-pukyutan:
# Gen. 27:27; Os. 14:6-7. Pulot at gatas ay nasa ilalim ng iyong dila;
At ang amoy ng iyong mga suot ay #Gen. 27:27; Os. 14:6-7. gaya ng amoy ng Libano.
12Halamanang nababakuran ang kapatid ko, ang kasintahan ko;
Bukal na nababakuran, balon na natatakpan.
13Ang iyong mga pananim ay halamanan ng mga #tal. 3. granada, na may mahalagang mga bunga;
Albena sangpu ng mga pananim na #A. ng A. 1:12. nardo,
14Nardo at azafran,
# Ex. 30:23. Calamo at kanela, sangpu ng lahat na punong kahoy na #A. ng A. 5:1. kamangyan;
Mira at mga eloe, sangpu ng lahat na pinakamainam na especia.
15 Ikaw ay bukal ng mga halamanan,
# Jer. 2:13. Balon ng mga buhay na tubig,
At mga balong na tubig na mula sa Libano.
16Gumising ka, Oh hilagaang hangin; at parito ka, ikaw na timugan;
Humihip ka sa aking halamanan, upang ang mga bango niya'y sumalimuoy.
# A. ng A. 5:1. Masok ang aking sinta sa kaniyang halamanan,
At kumain siya ng kaniyang mahalagang mga bunga.

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in